Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/05

Tagalog News: P.9-M proyektong pangkalusugan at pang-imprastraktura naipatapos na sa Pola

Calapan City (5 May) -- Humigit-kumulang sa P1 M ang halaga ng mga pinasinayaang proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan sa isang napakalayong barangay sa bayan ng Pola.

Mula sa poblacion ng bayan ng Pola, mararating ang barangay Tagumpay ng tatlumpu hanggang apatnapu't limang minuto sakay ng bangka.

Bagamat may kalayuan at may kahirapang puntahan, napakaraming proyekto na ang naipagkaloob ng administrasyong Panaligan sa barangay na pinamumunuan ni Kapitan Jerry Fetizanan.

Abril 10, pinangunahan ni Gobernador Arnan ang pormal na pagpapasinaya ng isang daan at limampung libong pisong footbridge sa liblib na sityo ng barangay.

Pormal na ring binuksan ang walong daang libong pisong Governor Arnan C. Panaligan Model Health Center sa pataas na bahagi ng barangay. Isa ang proyektong ito sa labis-labis na ipinagpapasalamat ng mga taga-barangay Tagumpay sapagkat lubhang mahirap para sa kanila ang pumunta pa sa poblacion sa sandaling sila ay nagkakasakit.

Sa simpleng programa para sa pormal na pagbubukas ng dalawang mahahalagang proyektong pangkaunlaran sa barangay, binigyang-diin ni Gobernador Arnan na ang mga ito ay patunay ng kanyang sinserong pagnanais na tugunan ang mga pangangailangan ng kanyang nasasakupan, partikular ang mga pamayanan na lubha nang malayo sa kabisnan.

Para kay Calapan City Vice-Mayor Rafael L. Infantado, isang pagbabalik-tanaw ang kanyang muling pagbisita sa barangay na kanyang pinaglingkuran noong siya ay maging bokal ng unang distrito ng Sangguniang Panlalawigan.

Kasama ng gobernador sa kanyang pagtungo sa Barangay Tagumpay sina Bokal Abraham Abas, Bokal Robert Concepcion, Naujan Municipal Councilor Ryan Arago at Victoria Municipal Councilor Mike Malaluan.

Nakiisa rin dito si Ginoong Dodgie Panganiban. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanaoan IT engineer develops Google's precinct finder
»More paved roads for Mindanao eyed before Arroyo ends term
»AFP, PNP, Church, children pay tribute to workers in Davao
»Soldiers spearhead 3rd peace rally for HOPE in ComVal
»17th NPA bomb recovered in Davao Region, and counting
»Davao writers workshop held May 3-7
»NEDA discusses investment prospects with Chinese officials
»Land Registration Authority distributes free land titles in ComVal
»Miners, gold ore mineral processors gather in ComVal
»Comval holds small-scale mining summit on World Earth Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines