Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 19 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/05

Tagalog News: Mga Mangyan ng Oriental Mindoro nagtayo ng samahan

Calapan City (5 May) -- Ang pagkalinga at pagkakaloob ng mga kailangang tulong at ayuda sa kanilang hanay ay labis na kinikilala ng mga katutubong Mangyan kung kaya't ang patuloy na paglilingkod ni Gobernador Arnan ay sinusuportahan ng Samahan ng Nagkakaisang Mangyan Alangan o SANAMA ng Oriental Mindoro.

Ito ang sinasagisag ng pansula o ritwal ng mga katutubong Mangyan na humihiling ng gabay ng Panginoon para sa maayos na paglilingkod ng mga naghahangad na maging pinuno ng lalawigan na isinagawa ng mga lider-Mangyan para sa Gobernador kasabay ng kanilang pagpupulong sa Barangay Paitan sa bayan ng Naujan.

Nauna rito, ipinahayag ng SANAMA, sa pamamagitan ng pangulo nitong si Segundo Calignayan, na simula ng maglingkod bilang punong lalawigan ay tuluy-tuloy na rin ang naging pagtulong ni Gobernador Arnan sa mga katutubo na kanilang labis na ipinagpapasalamat.

Sinang-ayunan ito ni Kapitan Tony Castillo na nagpahayag rin ng pasasalamat sa pagiging bukas-palad ni Gobernador Arnan sa kanilang mga ktutubo sa lahat ng panahon.

Nangako naman si Gobernador Arnan na mananatiling prayoridad at patuloy na itataguyod ng kanyang administrasyon ang kapakanan ng mga katutubo.

Dumalo rin sa pagpupulong sina Atty. Norberto Mendoza at Ginang Angie Casubuan kasama ang ilang mga opisyal ng barangay at bayan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanaoan IT engineer develops Google's precinct finder
»More paved roads for Mindanao eyed before Arroyo ends term
»AFP, PNP, Church, children pay tribute to workers in Davao
»Soldiers spearhead 3rd peace rally for HOPE in ComVal
»17th NPA bomb recovered in Davao Region, and counting
»Davao writers workshop held May 3-7
»NEDA discusses investment prospects with Chinese officials
»Land Registration Authority distributes free land titles in ComVal
»Miners, gold ore mineral processors gather in ComVal
»Comval holds small-scale mining summit on World Earth Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines