Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 6 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/05

Tagalog News: Karapatan ng mga kababaihan, binigyang-halaga

Calapan City (5 May) -- Binigyang halaga ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa lipunan at kinilala ang mga tagumpay ng mga ito sa ginanap na Provincial Women's Month Forum sa bayan ng Gloria noong Marso 24.

Sa naturang okasyon, naging panauhing tagapagsalita sina Bise-Gobernador Ma. Estela Felipa Aceron Bisnar, SP Secretary Diwata Fetizanan, PSWD Officer Teresita Umbao at DOH Representative Dra. Elsa S. Alberto. Sa temang, "Babae, Tagumpay Ka ng Bayan", tinalakay ng mga panauhin ang mga paksang Women's Health at Women's Rights and Laws.

Binigyang-diin ni Dra. Alberto ang tamang pangangalaga sa kalusugan ng mga babae partikular ang mga nagdadalang-tao. Tagubilin niya sa mga ito ang pagsasagawa ng pre-natal check up nang hindi bababa sa apat na beses bago magsilang. Dapat din aniyang dalawa hanggang tatlong taon ang ispasyo ng pagbubuntis ng isang ina at kinakailangang magsilang ang mga ito sa pasilidad ng ospital upang maiwasan ang pagkakaroon ng kumplikasyon na kalimitang nagiging dahilan ng pagkamatay ng inang magsisilang.

Tinalakay naman ni SP Secretary Di ang mga karapatan at batas na nauukol sa kababaihan. Ipinaaalam din sa grupo ng kababaihan na hindi lamang pisikal na pananakit ang maaaring maging dahilan ng pagsasampa ng kaso ng mga babae sa mga asawang lalaki kundi pati ang pananakit ng emosyon ng mga ito.

Ibinigay namang halimbawa ni Bise-Gobernador Aceron ang mga babaeng mula sa pagsasakripisyo ay matagumpay na ngayon sa kanilang buhay. Kabilang dito sina Charo Santos, ang benepisyaryo ng scholarship ng pamahalaan na may kapansanan subalit nakatapos ng pag-aaral sa kolehiyo at ang mga ina ng tahanan na hindi biro ang mga isinasakripisyo at ang dami ng tungkulin at responsibilidad na nakaatang sa mga ito maitaguyod lamang nang maayos ang kanilang pamilya. Sila, ayon sa kanya, ay pawang mga larawan ng matagumpay na indibidwal sa lipunan. (Provincial Information Office) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanaoan IT engineer develops Google's precinct finder
»More paved roads for Mindanao eyed before Arroyo ends term
»AFP, PNP, Church, children pay tribute to workers in Davao
»Soldiers spearhead 3rd peace rally for HOPE in ComVal
»17th NPA bomb recovered in Davao Region, and counting
»Davao writers workshop held May 3-7
»NEDA discusses investment prospects with Chinese officials
»Land Registration Authority distributes free land titles in ComVal
»Miners, gold ore mineral processors gather in ComVal
»Comval holds small-scale mining summit on World Earth Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines