Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 6 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/05

Tagalog News: Serbisyong panlipunan at programang pangkaunlaran, patuloy na inihahatid sa Oriental Mindoro

Calapan City (5 May) -- Patuloy ang pamunuan ni Gobernador Arnan C. Panaligan sa paghahatid ng mga serbisyong panlipunan at mga programang pangkaunlaran sa iba't ibang panig ng lalawigan.

Libreng medical-dental mission, Programang PhilHealth Para sa Masa, mga proyektong pang-imprastraktura tulad ng drainage canal, kalsada, at programang pang-agrikultura ? ang mga ito ang mga serbisyong hatid ng administrasyon ni Gobernador Arnan sa iba't ibang barangay sa bayan ng Victoria noong Abril 12-13.

Sa patuloy na pagtataguyod sa maayos na kalusugan ng mga Mindoreņo, isang medical-dental mission ang itinaguyod ng pamunuan ni Gobernador Arnan para sa mga mamamayan ng Barangay Malabo ? isa sa mga liblib na barangay ng Victoria.

Dito, katuwang ang medical personnel mula sa mga karatig-bayan, mga kawal ng Philippine Army, at iba pa, libreng konsultasyon, bunot ng ngipin, tuli at libreng gamot ang kaloob sa mga taga-rito. Napagkalooban din ng kanilang PhilHealth ID cards ang mga 31 pamilyang benepisyaryo ng programa sa barangay.

Sa mga serbisyong ito at sa lahat ng mga proyektong naipagkaloob na sa kanilang barangay, taus-pusong pasasalamat ang paabot ng mga taga-Barangay Malabo, sa pamamagitan ni Kapitan Pedro Sabas, sa pamunuan ni Gobernador Arnan.

Binigyang-diin ni Gobernador Arnan sa gawain ang kahalagahan ng pagdadala ng Pamahalaang panlalawigan ng serbisyong medikal lalo na para sa mga liblib na barangay na tulad ng Barangay Malabo.

Nakiisa sa gawain sina Calapan City Vice Mayor Raf Infantado, Bokal Abraham Abas, PCL Federation President Robert Concepcion, Calapan City Councilor Patrick Dela Rosa, Victoria Councilor Mike Malaluan, at Naujan Councilor Ryan Arago.

Sa Barangay San Gelacio, pinangunahan nina Gobernador Arnan, Vice Raf, Kapitan Alex Bansale at mga opisyal ng barangay ang pagpapasinaya sa 160 lineal meters na drainage canal ng barangay na pinondohan ng Pamahalaang Panlalawigan ng humigit-kumulang sa P200,000.

Ipinagkaloob din ni Gobernador Arnan sa mga taga-rito ang kanilang ID cards ng 21 pamilyang benepisyaryo ng PhilHealth ? ang isa sa mga programa ng administrasyon ni Gobernador Arnan na direkta ang benepisyo sa mga mamamayan.

Pasasalamat ang taus-pusong paabot ni Kapitan Bansale sa mga suportang kaloob sa kanila ni Gobernador Arnan sa simula pa lamang ng kanyang panunungkulan bilang Punong lalawigan ng oriental Mindoro, anim na taon na ang nakararaan.

Naging pagkakataon naman ang gawain upang maipahayag ni Gobernador Arnan ang iba't ibang proyektong naipagkaloob na niya sa bayan ng Victoria sa mga nakalipas na taon.

Kabilang na rito ang mga proyektong pang-imprastraktura tulad ng mga kalsada, drainage canal, barangay health center, barangay hall, irrigation systems, mga pagsasanay pangkabuhyan para sa iba't ibang samahan at maraming iba pa.

Sa Barangay Loyal, na isa ring liblib na barangay, pinasinayaan ni Gobernador Arnan ang 280 lineal meters na kalsada ? ang isa sa mga proyektong naipagkaloob na ng kanyang pamunuan sa nabanggit na barangay. Pinondohan ito ng humigit-kumulang sa P1M ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa ngalan ng kanyang mga ka-barangay, walang hanggang pasasalamat ang paabot kay Gobernador Arnan ni Kapitan Marino Ganio, sa mga tulong at suportang naipagkaloob na ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang lugar.

Sa Barangay Poblacion III, umabot sa 178 ID cards para sa mga pamilyang benepisyaryo ang ipinamahagi ni Gobernador Arnan sa ilalim ng kanyang Programang PhilHealth Para sa Masa.

Maliban dito, naging benepisyaryo na rin ng core shelter assistance program ng Pamahalaang Panlalawigan, ang may 20 mahihirap na mga taga-Poblacion III sa bayan ng Victoria.

Sa Barangay San Narciso, isa sa mga barangay ng Victoria na pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga mamamayan, suportang pang-agrikultura naman ang dala ng pamunuan ni Gobernador Arnan para sa mga magsasaka ng barangay.

Benepisyaryo ang Barangay San Narciso ng irrigation construction/rehabilitation project sa ilalim ng programang Focused-Food Production Assistance to Vulnerable Sectors, isang programang pang-agrikultura at kontra-kahirapan ang pasisimulan sa Oriental Mindoro ngayong taon, na pinopondohan ng European Union, sa pamamagitan ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research o SEARCA.

Sa gawain, ipinaliwanag ni Provincial Agriculturist Jaime Nuevas, Jr., kasama ang mga kawani ng PAgO, na sa ilalim ng programa, sisikaping mapataas ang produksyon ng bigas sa mga palayan at huling yamang-dagat sa mga karagatan sa pamamagitan ng pagtataguyod at pagkakaloob sa mga magsasaka ng mga bagong teknolohiya at iba pang mga kinakailangang ayuda at suporta.

Taus-pusong pasasalamat ang paabot ng mga taga-Barangay, sa pamamagitan ni Kapitana Rosita J. Salvador sa proyektong pang-agrikultura ng kaloob sa kanila ng administrasyon ni Gobernador Arnan. Naging benepisyaryo na rin ang Barangay San Narciso ng iba pang mahahalagang proyekto mula sa Pamahalaaang Panlalawigan, tulad ng P1M road concreting project sa barangay, foot bridge, tulay at iba pa. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanaoan IT engineer develops Google's precinct finder
»More paved roads for Mindanao eyed before Arroyo ends term
»AFP, PNP, Church, children pay tribute to workers in Davao
»Soldiers spearhead 3rd peace rally for HOPE in ComVal
»17th NPA bomb recovered in Davao Region, and counting
»Davao writers workshop held May 3-7
»NEDA discusses investment prospects with Chinese officials
»Land Registration Authority distributes free land titles in ComVal
»Miners, gold ore mineral processors gather in ComVal
»Comval holds small-scale mining summit on World Earth Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines