Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/05

Tagalog News: Kabataan, nananatiling pag-asa ng bayan

Calapan City (5 May) -- "Sakdal Lingkod, Klarong Pag-asa naming SK Federation Pinamalayan."

Sa temang ito sumentro ang pagtitipon ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan Federation ng bayan ng Pinamalayan noong Abril 16.

Sa gawain, binigyang-diin ni Gobernador Arnan ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa pagsusulong ng kaunlaran ng lalawigan at ibinahagi ang mahahalagang proyekto ng kanyang pamunuan na naglalayong itaguyod ang kapakanan at kagalingan ng kabataang Mindoreņo. Pangunahin na rito ang mas pinalawak ng Oriental Mindoro Scholarship Program na laan sa mga kabataang matatalino subalit may kakulangang pinansyal.

Ipinaliwanag naman ni Calapan City Vice Mayor Raf Infantado na ang mga kabataan ang tunay na pag-asa ng bayan na siyang dapat magpatuloy sa mga napasimulan nilang adhikain para sa ating bayan.

Hinikayat naman ni SEC Commissioner Tady Venturanza ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga kabataan upang maging mabibisang kabalikat ng pamahalaan sa pagtataguyod ng bagong pulitika at sa pagsusulong ng tunay na kaunlaran ng lalawigan.

Nakiisa sa programa sina 2nd District Board Member Butch Soller, Gloria Councilor Cris Bawasanta, Engr. Butch Buenaventura, BOCOFAMCO Chairman Rene Malaluan, at Roxas Councilor Joy Solabo. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanaoan IT engineer develops Google's precinct finder
»More paved roads for Mindanao eyed before Arroyo ends term
»AFP, PNP, Church, children pay tribute to workers in Davao
»Soldiers spearhead 3rd peace rally for HOPE in ComVal
»17th NPA bomb recovered in Davao Region, and counting
»Davao writers workshop held May 3-7
»NEDA discusses investment prospects with Chinese officials
»Land Registration Authority distributes free land titles in ComVal
»Miners, gold ore mineral processors gather in ComVal
»Comval holds small-scale mining summit on World Earth Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines