Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 19 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/05

Tagalog News: NFA, nakahanda sa El Niņo

Calapan City (5 May) -- Mananatiling sapat ang supply ng bigas sa Oriental Mindoro sa kabila ng nararanasang tagtuyot ng mga magsasaka dulot ng El Nino.

Ito ang ipinahayag ni NFA Manager Jaime Hadlocon matapos maidiskarga sa Calapan pier ang may 46,000 kaban ng bigas na inangkat mula sa Thailand upang maisigurong may sapat na supply ng bigas ngayong nananalasa na ang tagtuyot sa buong bansa.

Sa panayam sa kanya kamakailan, isiniguro ni Hadlocon na hindi magkakaroon ng rice shortage sa lalawigan. Batid niya, aniya, na sa nararanasang tagtuyot hindi lamang sa lalawigan kundi sa ibang panig pa ng bansa, mahihirapan ang mga magsasaka na magkaroon ng mataas na ani dahil sa kakulangan ng patubig sa kanilang mga palayan dulot na rin ng El Nino.

Sa inangkat na bigas mula sa Thailand na dinala sa mga bodega ng NFA sa iba't ibang bayan ng lalawigan, siniguro ni Hadlocon na masusustina ng tanggapan ang food security program nito sa lalawigan. Sinabi niyang hindi dapat mangamba ang mga Mindoreno sapagkat puno lahat ang kanilang bodega ng stock ng bigas. Ang mga naturang bodega ay matatagpuan sa mga bayan ng Roxas na may kapasidad na 200,000 kaban ng bigas, Pinamalayan, 150,000 kaban ng bigas; Barcenaga, 50,000 kaban at Calapan na 150,000 kaban.

Samantala, nananatili pa rin sa dating presyong P17.70 kada kilo ang pagbili nila ng palay mula sa mga magsasaka. Umaabot sa P15 M ang nakalaan nilang pondo para sa pamimili ng palay mula sa mga magsasaka.

Nananatili naman sa presyong P18.25 kada kilo ang bigas sa mga Tindahan Natin outlet at P25 kada kilo naman sa mga institutionalized Bigasan sa Palengke at Bigasan sa Barangay outlet. Sa ngayon, aniya, nagdadagdag pa sila ng alokasyon para sa mga retailer nito.

Samantala, masaya ring ibinalita ni Hadlocon na pinarangalan ang NFA ng Bureau of Internal Revenue bilang No. 1 Tax Payer of the Year. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanaoan IT engineer develops Google's precinct finder
»More paved roads for Mindanao eyed before Arroyo ends term
»AFP, PNP, Church, children pay tribute to workers in Davao
»Soldiers spearhead 3rd peace rally for HOPE in ComVal
»17th NPA bomb recovered in Davao Region, and counting
»Davao writers workshop held May 3-7
»NEDA discusses investment prospects with Chinese officials
»Land Registration Authority distributes free land titles in ComVal
»Miners, gold ore mineral processors gather in ComVal
»Comval holds small-scale mining summit on World Earth Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines