Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/05

Tagalog News: 123 opisyales at kawani ng 203rd IB, bumoto sa local absentee voting

Naujan, Oriental Mindoro (5 May) -- Isandaan at dalawampu't tatlong (123) opisyales at kawani ng 203rd Infantry Brigade sa pamumuno ni KORONEL CARLOS F QUITA INF (GSC) PA bumoto sa Local Absentee Voting noong Abril 28, 2010 ganap na ika-8 ng umaga sa Barangay Pinagsabangan I, Naujan at Wasig, Mansalay, Oriental Mindoro.

Ang nasabing absentee voting ay pinangasiwaan ng dalawang (2) Municipal COMELEC Officers ng Naujan na si Gng. Ma Editha Estigoy Trinidad para sa mga miyembro ng 203rd Brigade at Ginoong Rene Pagilagan ng Mansalay para sa mga sundalo ng 4th Infantry Battalion upang ipahayag ang kanilang karapatan sa pagpili ng karapat-dapat na pangulo, pangalawang pangulo, mga senador at party list.

Isang layunin ng maagang pagboto ng mga sundalo ay para mapagtuunan ng pansin ang seguridad ng mga kandidato sa mga nalalabing oras ng kampanyahan hanggang sa mismong halalan at mabantayan ang mga gamit-eleksiyon gaya ng mga PCOS Machines, balota atbp.

Ayon sa mensahe ni Koronel Quita, bilang isang botante ay kailangang pumili ng mga kandidatong malinis ang hangarin tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan, katahimikan at kaunlaran ng ating bayan, pagsasagawa ng mga proyektong makakatulong sa mga naninirahan sa mga liblib na lugar at pagpapatupad ng mga pangkabuhayan para sa mga mahihirap.

Dagdag pa ni Koronel Quita, na magtatalaga ng sanib-puwersang-pulis-militar sa bawat presinto (polling precinct) lalo na sa mga lugar na may namamataang armadong grupo upang maiwasan ang hindi inaasahang pangyayari ng sa gayun ay magkaroon ng malinis, maayos at memorableng halalan.

Sa kabuuan, naidaos ang local absentee voting ng mapayapa at ito ay sinaksihan ng ibang media reporters at Comelec Officers. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanaoan IT engineer develops Google's precinct finder
»More paved roads for Mindanao eyed before Arroyo ends term
»AFP, PNP, Church, children pay tribute to workers in Davao
»Soldiers spearhead 3rd peace rally for HOPE in ComVal
»17th NPA bomb recovered in Davao Region, and counting
»Davao writers workshop held May 3-7
»NEDA discusses investment prospects with Chinese officials
»Land Registration Authority distributes free land titles in ComVal
»Miners, gold ore mineral processors gather in ComVal
»Comval holds small-scale mining summit on World Earth Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines