Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/05

Tagalog News: Mga sundalo nakiisa sa pagpupulong ng mga Tadyawan

Socorro, Oriental Mindoro (5 May) -- Nakiisa sa isinagawang pagpupulong ng mga Mangyan-Tadyawan na nagmula sa pitong (7) bayan (Naujan, Victoria, Socorro, Pola, Pinamalayan, Bansud at Gloria) ng Silangang Mindoro noong Abril 29 ganap na ika-1 ng hapon sa Sitio Balaylakoy, Barangay Zone II, bayang nabanggit ang mga sundalo ng 203rd Infantry Brigade.

Ito ay dinaluhan ng animnapu't anim (66) na liders at miyembro ng Kapyan Agpaysarigan Mangyan-Tadyawan Incorporated (KAMTI) sa pamumuno ni Jose Crusado na ang layunin ay pag-usapan ang kanilang programa partikular ang usaping edukasyon, pangkabuhayan, proyektong pambarangay, disposisyon ng kalakal, katahimikan, kaayusan, nakagisnang kultura, tradisyon at lupaing ninuno.

Batid din ng grupong Tadyawan na makiisa sa mga programa at proyektong isinusulong ng gobyerno kung kaya't ang grupo ay hindi nag-atubiling imbitahan ang koponan ng 203rd Infantry Brigade sa pamumuno ni Colonel Carlos F Quita.

Batay sa presentasyon (Situation briefing), impormasyon at mensaheng binigay nina CAPTAIN GREGORIO R DE GUZMAN, Civil-Military Operations Officer ng 203rd Brigade at MAJOR ROGER G ESTEVA, Executive Officer ng 4th Infantry Battalion hinggil sa pagresolba ng insurhensiya, programa ng kasundaluhan, proyektong nagawa sa kanayunan at kontribusyon ng mamamayan, napagtanto nilang may mahalaga silang papel na dapat gampanan lalo na ang hindi pagtangkilik sa mga armadong grupo o New Peoples Army (NPA).

Ayon kay Crusado, KAMTI President, nabago ang pananaw ng mga Mangyan partikular ang grupong Tadyawan na noong dati ay takot kapag nakakakita sila ng sundalo. Subalit sa ipinamalas ng mga kasundaluhan sa paggawa ng iba't-ibang proyekto sa kanilang lugar gaya ng footbridge, water reservoir, brgy public toilet, road improvement, Mangyan housing, landscaping of school, sila na mismo ang kusang tumulong sa paggawa at nagbibigay proteksiyon sa mga sundalo sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon laban sa mga armadong grupo.

Nagkaroon din ng bukas-talayakan pagkatapos ng presentasyon na kung saan, karamihan sa kanilang hinaing ay ang pagkakaroon pa ng karagdagang eskwelahan para tumaas ang lebel ng kanilang edukasyon, tulay upang madaling madala ang kanilang kalakal sa kabayanan, pagsasanay o seminar patungkol sa pangkabuhayan ng sa gayon ay umangat ang antas ng kanilang pamumuhay at libreng gamot para sa may mga karamdaman.

Sa kabuuan, nangako ang grupo na patuloy silang tutulong at susuporta alang-alang sa kapakanan ng mga Mindorenos tungo sa kapayapaan, seguridad at pagunlad. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanaoan IT engineer develops Google's precinct finder
»More paved roads for Mindanao eyed before Arroyo ends term
»AFP, PNP, Church, children pay tribute to workers in Davao
»Soldiers spearhead 3rd peace rally for HOPE in ComVal
»17th NPA bomb recovered in Davao Region, and counting
»Davao writers workshop held May 3-7
»NEDA discusses investment prospects with Chinese officials
»Land Registration Authority distributes free land titles in ComVal
»Miners, gold ore mineral processors gather in ComVal
»Comval holds small-scale mining summit on World Earth Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines