Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 24 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/05

Tagalog News: Comelec: Re-assignment ng 4 na election officers sa South Cotabato

Koronadal City (5 May) -- Ipinag-utos na ng Commission on Elections (COMELEC) ang re-assignment ng apat na election officers sa South Cotabato bilang bahagi ng regular na personnel movement kaugnay ng nalalapit na synchronized automated elections sa Mayo a-10.

Ayon kay South Cotabato election supervisor Jay Gerada, nanggaling sa Comelec Central Office ang kautusan sa pag-reshuffle ng mga kasalukuyang election officers sa mga bayan ng Sto. Nino, Lake Sebu, Banga at T'boli dahil ang mga opisyal ay nakapagsilbi sa mga nabanggit na bayan ng mahigit apat na taon na.

Ipinapatupad umano ng Comelc ang re-shuffling, bago ang araw ng halalan, ng mga field personnel na nanatili sa kanilang mga area of assignments ng mahigit apat na taon upang mailayo ang mga ito sa impluwensiya ng mga lokal na politiko.

Binigyang diin din ni Gerada na mahalaga ang hakbang na ito para sa Komisyon upang lalo pa nitong mapabuti ang serbisyo sa publiko at makapag-comply sa four-year limit rule na ipinapatupad ng Comelec.

Ang reshuffling na ito, ayon kay Gerada ay pansamantala lamang at ang mga apektadong personnel ay ibabalik din umano sa kani-kanilang dating puwesto pagkatapos ng election.

Base sa Comelec directive, si Sto. Nino election officer Leah Morales ay makikipag-swap ng assignments kay Banga election officer Lydia Cano at si Lake Sebu election officer Nancy Tano naman ay makikipag-palitan kay T'boli election officer Nina Espanola. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanaoan IT engineer develops Google's precinct finder
»More paved roads for Mindanao eyed before Arroyo ends term
»AFP, PNP, Church, children pay tribute to workers in Davao
»Soldiers spearhead 3rd peace rally for HOPE in ComVal
»17th NPA bomb recovered in Davao Region, and counting
»Davao writers workshop held May 3-7
»NEDA discusses investment prospects with Chinese officials
»Land Registration Authority distributes free land titles in ComVal
»Miners, gold ore mineral processors gather in ComVal
»Comval holds small-scale mining summit on World Earth Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines