Tagalog News: Credential ng bagong Turkish envoy tinanggap ni PGMA
Manila (7 May) -- Malugod na tinanggap ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang credential ng bagong sugo o envoy ng Repulic of Turkey sa Pilipinas na si Hatice Pinar Isik.
Ipinarating ng Pangulo kay Ambassador Isik na kanyang inaasahan ang pagpapatuloy ng cultural, historical at political bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Turkey.
Ipinaabot din ni Pangulong Arroyo kay Ambassador Isik ang pagtiyak ng suporta ng Turkish government ang pagsisikap ng Pilipinas para makamit ang matagalang kapayapaan sa Mindanao.
Ipinaabot din ng Pangulo kay Ambassador Isik ang suporta binitiwan ni Turkish President Abdullah Gul sa OIC-observer status bid ng Pilipinas, a kanilang pulong nang dumalaw si Pangulong Arroyo doon noong September 2009.
Ang Republic of Turkey ay kasapi ng makapangyarihang Organication of Islamic Conference o OIC. (pbc/PIA) [top]