Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 25 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/17

Tagalog News: Lathalain: Food safety, mahalaga ngayong summer

by Ma. Idelia G. Glorioso

Butuan City (17 May) -- Nagpaplano ba kayong mag outing o magkaroon ng family gatherings ngayong summer?

Kung outing ang pag-uusapan, ang laging nasa isip natin ay swimming at masasarap na pagkain na nababagay dito. Wala na ngang sasaya pa sa paglalangoy sa beach o sa pool at ang pagkain ng mga summer foods.

Ngunit huwag natin kalimutan ang food safety o kaligtasan ng pagkain sa panahon ng tag-init o summer. Ang pagkain ay dapat laging malinis, mula sa paghahanda hanggang sa pagkonsumo. Mas lalong dapat maging maingat kapag magluluto ng pagkain sa labas o outdoors.

Narito ang ilang paalaala tungkol sa ligtas at malinis na paghahanda ng pagkain ngayong summer:

  • Panatilihing malamig ang mga pagkaing tinuturing na cold foods. Gumamit ng coolers at lagyan ng maraming yelo. Ilagay ang coolers sa lugar na di naiinitan. Dagdagan pa ng yelo kung tunaw na ang yelo sa coolers. Ang pinakamainam upang mapanatiling malamig ang pagkain tulad ng tinamplahang karne, manok at isda ay iimbak muna sa freezer para maging frozen bago ilagay sa coolers.

  • Unahing kainin ang mga pagkaing madaling masira at ihuli ang mga pagkaing di madaling masira.

  • Baunin sa picnic o sa outing ang mga pagkaing di madaling masira tulad ng adobong baboy o manok, inihaw na baboy o isda, sariwang prutas at gulay.

  • Hugasang mabuti ang prutas at gulay bago i-empake.

  • Kung mag-iihaw, panatilihin muna ang pagkaing iihawin sa loob ng coolers at ilabas lang kung kalian iihawin na ang mga ito.

  • Kung maghahanda ng pagkain, panatilihing malinis ang lahat ng kagamitan. Maghugas ng kamay bago hawakan ang pagkain.

  • Ilagay sa malinis na lalagyan ang inihaw na pagkain. Huwag gumamit ng parehong pinggan para sa hilaw at lutong pagkain.

  • Uminom ng malinis na tubig o magdala ng bottled water.

    Ayon sa ika-siyam na mensahe ng Gabay sa Wastong Nutrisyon para sa Pilipino, kumain ng malinis at ligtas na pagkain lamang upang maiwasan ang sakit na sanhi ng maruming pagkain at tubig.

    Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkain at nutrisyon, makipag-ugnayan kay Dr. Mario V. Capanzana, Director, Food and Nutrition Research Institute-DOST, Bicutan, Taguig, Metro Manila, Tel. No. 837-29-34 or 837-20-71 loc. 2287, FNRI-DOST, email: mvc@fnri.dost.gov.ph; website:http//www.fnri.dost.gov.ph. (FNRI-DOST S & T Media Service) [top]

  • |«  prev  next  »|
    DAILY NEWS LIST:
    »PGMA attends June 6-7 World Economic Forum in Vietnam
    »Eastern Samar's Evardone, Nicart, Gonzales proclaimed next provincial leaders
    »Waray-Waray News: Tagan prayoridad han mga elehido an ensurhensiya
    »Waray-Waray News: 5 barangay ha Samar magbubuhat hin espesyal nga eleksyon
    »Waray-Waray News: Arroyo napili otro nga chairman han Lakas
    »Waray-Waray News: China gin-aghat nga ig-undang an pantimos hin nukleyar
    »Waray-Waray News: Teacher-BEIs angay dugngan an suhol - DepEd
    »Waray-Waray News: Singbahan ha mga daogan: Tumana an iyo mga saad
    »Cebuano News: Walay special elections alang sa paghulip sa puwesto ni Aquino
    »Cebuano News: Palasyo nag-awhag sa sunod nga Presidente pagdawat kang Corona isip Chief Justice
    |«  prev  next  »|

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines