Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/17

Tagalog News: Sukat ng baywang, nakakaapekto sa kalusugan

by Charina A. Javier

Butuan City (17 May) -- Alam ba ninyo na bukod sa hindi kaaya-ayang tingnan ang malaking tiyan o bilbil ay may malaking epekto ito sa ating kalusugan?

Maaaring maging isang indikasyon ng posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso o diyabetis ang pagkakaroon ng higit sa normal na sukat ng baywang at balakang.

Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto ang pagsukat ng baywang at balakang upang malaman kung ang isang tao ay sobra ang taba sa parte ng tiyan o android o apple-shaped obese.

Ang pagkakaroon ng sobrang taba, lalung-lalo na sa parte ng tiyan, ay nagdudulot ng mataas na lebel ng asukal, insulin, kolesterol at triglyceride sa dugo na siyang nagiging sanhi ng diyabetis, alta-presyon, atake sa puso o iba pang sakit.

Ayon sa Interheart Study, isang pag-aaral na nakatuon sa cardiovascular diseases sa iba't-ibang bansa sa buong mundo kabilang ang Pilipinas, inirerekomenda na ang sukat ng baywang ay hindi dapat lalampas sa 80 sentimetro o 31 pulgada para sa mga babae at 90 sentimetro o 35 pulgada para sa mga lalake.

Kung kaya't dapat pag-ingatan ang ating katawan para na rin sa kalusugan. Healthy na, sexy pa.

Ang impormasyong ito ay hatid sa inyo ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology o FNRI-DOST, ang pangunahing ahensiya ng gobyerno sa pananaliksik sa pagkain at nutrisyon. Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman sa pagkain at nutrisyon, sumulat o tumawag kay Dr. Mario V. Capanzana, Direktor, FNRI-DOST sa kanyang email address: mvc@fnri.dost.gov.ph o mar_v_c@yahoo.com o sa telepono bilang 837-2934/837-3164. Maaari ding bisitahin ang FNRI website: http://www.fnri.dost.gov.ph. (FNRI-DOST S & T Media Service) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA attends June 6-7 World Economic Forum in Vietnam
»Eastern Samar's Evardone, Nicart, Gonzales proclaimed next provincial leaders
»Waray-Waray News: Tagan prayoridad han mga elehido an ensurhensiya
»Waray-Waray News: 5 barangay ha Samar magbubuhat hin espesyal nga eleksyon
»Waray-Waray News: Arroyo napili otro nga chairman han Lakas
»Waray-Waray News: China gin-aghat nga ig-undang an pantimos hin nukleyar
»Waray-Waray News: Teacher-BEIs angay dugngan an suhol - DepEd
»Waray-Waray News: Singbahan ha mga daogan: Tumana an iyo mga saad
»Cebuano News: Walay special elections alang sa paghulip sa puwesto ni Aquino
»Cebuano News: Palasyo nag-awhag sa sunod nga Presidente pagdawat kang Corona isip Chief Justice
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines