Tagalog News: Agra: Appointment ni Corona pinal na
Manila (17 May) -- Sa panunumpa ni Justice Renato Corona bilang Chief Justice ngayong araw, kompleto at pinal na rin ang pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Dahil dito, ayon kay Justice Secretary Alberto Agra, tanging impeachment na lang ang makapag-aalis kay Corona sa pwesto.
Subalit, diin ni Agra, hindi rin pwedeng sampahan ng impeachment case si Corona dahil walang legal na basehan para ito ay i-impeach dahil walang paglabag sa Konstitusyon, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, at betayal of public trust.
Dagdag pa ni Agra, kwalipikado ang apat na nominado na papalit kay Puno na ibinigay ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Arroyo at doon sa listahan lang kumuha ang Pangulo ng itinalaga.
Tinapos na rin umano ni Puno ang isyu nang kinilala nito si Corona bilang pang-dalawamput tatlong chief justice sa kanyang talumpati noong Biyernes. (DE Doguiles/PIA 12) [top]