Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 19 November 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2019 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/19

Tagalog News: PGMA ininspeksiyon ang P2.278 bilyung Central Mindanao road project

Koronadal City (19 May) -- Balik Maguindanao si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para inspeksiyunin ang malaking road project sa Timanan Poblacion, South Upi, Maguindanao.

Laking tuwa at pasasalamat ng mga mamamayan sa nasabing bayan at mga karatig lugar sa pagdalaw ni Pangulong Arroyo upang personal na Makita ang pagsasagawa ng mahigit na isang daang kilometrong kalsada tampok sa Central Mindanao Road Project.

Ang proyekto ay hinati sa tatlong package na binubuo ng Awang-North Upi Road (Package 1); North Upi-Maguindanao-Sultan Kudarat Boundary road (Package 2) at Maguindanao-Sultan Kudarat Boundary-Lebak-Kalamansig Road (Package 3) na pinopondohan ng gobyerno at foreign assistance.

Personal na pinasalamatan nina Toh Abukalis at Alexander Racines si Pangulong Arroyo sa pagsasakatuparan ng naturang kalsada na nagdulot ng kaginhawaan sa mga biyahero at mangangalakal.

Ayon kay Abukalis na isang karpintero/mason siya ay nakatulong sa kanyang pamilya nang siya ay napasok bilang construction worker ng nasabing kalsada samantalang si Racines na isang magsasaka ay pinatunayang naging mabilis at mura ang trucking ng inaaning mais at iba pang produkto mula South Upi patungo ng merkado at trading center.

Kung dati-rati ay lagging nalulugi ang mga magsasaka dahil sa sirang kalsada, ngayon pwedeng bumiyahe araw man o gabi, ayon kay Racines.

Bilang tugon, tiniyak ni Pangulong Arroyo na lalong tumaas ang tsansa ng pagkakaroon ng maulad na pamumuhay sa sandaling mamatapos ang nasabing road project.

Tiniyak ni DPWH Secretary Vic Domingo kay Pangulong Arroyo na matatapos sa Hunyo ang North Upi-Maguindanao-Sultan Kudarat Boundary Road (Package 2) bago magtapos ang kanyang termino. (pbc/PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Search is on for 2010 most outstanding volunteers
»Top councilor elect wants unified Davao legislative-executive agenda
»PRC issues new regulations for broadcasting stations
»DSWD, Red Cross release rice aid to El Nino victims
»4Ps opens jingle-making contest
»Veggie council reaches out to provincial members
»Davao Norte MSMEs vie for presidential awards
»Healthy lifestyle prevents, controls hypertension
»STI Calbayog jobs fair brings sure jobs to 185 graduates
»Leyte gov bats for more birthing centers to ensure safe motherhood
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines