Tagalog News: Mendoza kinumpirma ang pakikipagpulong sa isang miyembro ng transition team ni Aquino
Manila (27 May) -- Kinumpirma ni Executive Leandro Mendoza na nakipagkita sila sa ilang miyembro ng transition team ng presidential frontrunner na si Benigno "Noynoy" Aquino III sa isang hindi pormal na pagpupulong, subalit hindi niya binanggit ang pangalan ng kanilang mga kinausap.
Ayon kay Mendoza, pinag-usapan ng mga ito kung paano isasagawa ang turnover kay Aquino.
Dagdag ni Mendoza, iminungkahi nito na kailangang mananatili sila sa iisang gusali upang mabuo ang malapit na koordinasyon at kooperasyon.
Aniya, inihahanda na ng Presidential Transition Cooperation Team ang lahat ng mga requirements at mga dokumento sa pagtiyak ng maayos na transition ng pamahalaan. (BDEnestois/PIA12) [top]