Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 14 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/01

Tagalog News: AFP nangakong protektahan ang karapatan at karangalan ng mga kabataan na naapektuhan ng kaguluhan

Legazpi City (1 June) -- Bilang tugon sa ulat ng United Nations na maraming mga bata sa Pilipinas ang ginagamit sa bilang mga combatants, pinagtibay muli ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangako at determinasyon nito na protektahan ang karapatan at karangalan ng mga kabataan, dagdag pa ang mabigyan ang mga ito ng tulong para mailayo sa kaguluhan sa kanilang lugar.

Sa ibinahaging impormasyon ng opisina ng Civil Relations Service ng AFP sa Bicol, binigyan diin ni Brig. Gen Francisco Cruz Jr., commander ng CRS-AFP, pinaka-proyoridad nila ng pigilan ang recruitment ng mga bata para maging child combatants.

Ayon kay Cruz, nakapaloob ang commitment ng Sandatahang Lakas sa mga patakaran, patnubay at mga direktiba ng Republic Act 7610 o ang batas sa nagsasaad ng pagbigay ng matibay na paghadlang at special protection laban sa pang-aabuso sa kabataan, pagsasamantala at pang-aapi at ng RA 9344 na mas kilala bilang Juvenile Justice Welfare Act.

Isa rin sa mga signatories ng Memorandum of Agreement (MOA) hinggil sa Handling and Treatment of Children involved in Armed Conflict ang AFP kung saan kabilang sa kanilang tungkulin ang pagrescue o pagpapadali ng mga sinukong kabataan na kasama sa kaguluhan at dapat na i-report ang mga narescue sa loob ng bente-kwatro oras sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office o sa local chief executive.

Sa tala ng DSWD, 925 child combatants mula sa iba't-ibang dako ng bansa ang nai-turnover na ng AFP sa kanila mula 2000 hanggang 2006. (MA Loterte, PIA Albay/Bicol) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Same old woes for Deped as school opening nears
»Davao DepEd chiefs differ on jejemon phenomenon
»Low high-school participation recorded as youths engage in work
»RDC-XI to review 2011 budget proposals of government agencies
»Increasing media awareness on reproductive health noted
»Efforts underway to beef up EAGA as "food basket" in ASEAN
»Feature: Remote village connects to the world
»Tagum holds 2nd annual Flores de Tagumeņos
»Bislig City officials visit Tagum City
»Panabo City prepares for 112th Independence Day celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines