Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/01

Tagalog News: 6 ilog sa Bicol nanganganib masirang tuluyan - DENR-EMB

by MA Loterte

Legazpi City (1 June) -- Dahil sa patuloy na panunuyot ng ilang mga ilog sa Bicol, ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Environment Management Bureau (EMB) ay nag bigay babala sa lokal na pamahalaan at mamamayan na bigyan ng pansin ang suliranin ito.

Ayon kay Gilbert Gonzales, EMB regional director, ang Bicol ay may kabuuang 56 bilang ng ilog at ang 3 nito ay nabibilang sa sampung patay na ilog sa buong pilipinas, samantalang ang anim naman ay tinatayang nasa lebel ng panunuyo dahil na din sa mga dumi na nanggaling sa mga kabahayan.

Ayon kay Gonzales, kabilang sa 3 patay na ilog ay ang Anayan river sa Pili, Camrines Sur; Malaguit river sa Paracale, Camarines Norte at ang Panique river sa Aroroy, Masbate, ang mga nasabing ilog ay nasa mga lugar kung saan makikita ang mga mining towns kung saan nabibilang ang mga industrial waste.

Ang Anayan river ay nasa kategoriyang D, samantalang ang Malaguit and Panique rivers ay nabibilang sa kategoriya C.

Ang anim naman na ilog na patuloy na nanunuyot dahil na din sa kapabayaan ng mga tao ay ang Sagumayon river sa Legazpi City, Daet river sa Camarines Norte, Balos river sa Iriga City, Salog river sa Sorsogon, Tugbu river sa Masbate at ang Gogon river sa Virac, Catanduanes.

Ayon sa tala ng DENR-EMB, ang mga ilog ay nabibilang sa ibat-ibang klasipikasyon. Ang Class AA o Public Water Supply Class 1ay ang mga ilog na sinasabing ginagamit para sa mga inumin at wala pang nakatira sa mga ilog na nasabi.

Ang Class A ay ang mga ilog na pinagkukunan ng tubig inumin ngunit nangangailangan ng masusing pagbabantay;

Ang Class B ay ang mga ilog na kung saan ginagamit pampaliguan;

Ang Class C ay kung saan matatagpuan at naninirahan pa ang mga isdang tabang;

Ang Class D ay pinagkukunan nmna ng tubig para sa irrigasyon o pang-agrikulturang gamit.

"Sa aming pag momonitor sa mga nasabing ilog, nakitaan namin sila ng mga positibong pagbabago sa kalidad ng tubig, kung dati walang mga isda na naninirahan, ngayon may mga maliliit na isda ng makikita", ayon kay Gonzales.

Ayon pa rin sa director, base sa pag aaral nagiging marumi ang mga ilog sa Bicol ay dahil sa irresponsableng pagtatapon ng basura mula sa mga kabahayan pati na rin mula sa mga industrial firms.

Kabilang sa mga nagpaparumi sa tubig ang mga agricultural effluent, domestic sewage, urban runoff, marine dumping, radio active waste, oil spills and eutrophication.

Ang mga ilog sa Bicol ay masasabing isa sa mga pangunahing nakaktulong sa mga pang agrikulturang produksiyon at iba pang mga hanapbuhay tulad ng fishpond and aquaculture.

Patuloy naming ipinatutupad ng DENR-EMB ang Sagip Ilog Project para maiwasan pa ang pagkasira o pagkamatay ng mga ilog at maisayos ang estado ng aquatic system. (PIA Albay/Bicol) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Same old woes for Deped as school opening nears
»Davao DepEd chiefs differ on jejemon phenomenon
»Low high-school participation recorded as youths engage in work
»RDC-XI to review 2011 budget proposals of government agencies
»Increasing media awareness on reproductive health noted
»Efforts underway to beef up EAGA as "food basket" in ASEAN
»Feature: Remote village connects to the world
»Tagum holds 2nd annual Flores de Tagumeņos
»Bislig City officials visit Tagum City
»Panabo City prepares for 112th Independence Day celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines