Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/01

Tagalog News: BFAR nagbabala ng paglala ng red tide pagdating ng tag-ulan

by MA Loterte

Legazpi City (1 June) -- Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bicol na posibleng kumalat ang red tide toxin sa mga karagatan sa rehiyon kapag dumating ang panahon ng tag-ulan.

Paliwanag ni BFAR Bicol Regional Director Dennis Del Socorro, sa biglaang pagbabago ng temperatura ng panahon ay tiyak na makakaapekto ito sa paglala ng red tide sa mga karagatang sakop ng Bicol, partikular sa Sorsogon Bay na matagal nang naitala ang pagiging positibo sa red tide sa loob ng mahigit tatllong taon.

Ayon ka Del Socorro, mula sa sobrang init ng na panahon at agad susundan ng tag-ulan ay maaaring mas lumala ang ganitong sitwasyon ng look.

Sa ngayon, nagbabala ang ahensiya sa publiko na mag-ingat sa pagkain ng lamang-dagat na nagmumula sa Sorsogon bay.

Nabatid na nito lang nakaraang dalawang buwan ay inalis na ng BFAR ang shellfish ban of idineklara nang red tide free ang look ng Sorsogon, subalit agad din itong binawi matapos na may makitang bagong toxin na pinagmumulan ng red tide matapos lang ang may isang linggo.

Sa pinakahuling advisory naman noong isang buwan ay negatibo nang muli sa red tide organism ang mga karagatan sa iba't-ibang lalawigan sa rehiyon.

Matatandaang milyong-milyong pisong halaga nang pagkalugi ang naranasan ng mga nag-aalaga ng tahong at nagbebenta, marami na rin ang namatay, at maraming mamamayan ang nawalan ng kabuhayan bunsod ng red tide sa Sorsogon Bay.

Ani Del Socorro, sa ngayon ay pinaigting pang lalo ng BFAR sa kanilang pagmamanman sa mga karagatan sa rehiyon upang maiwasan na merong mabiktima pa ng red tide poisoning. (PIA Albay/Bicol) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Same old woes for Deped as school opening nears
»Davao DepEd chiefs differ on jejemon phenomenon
»Low high-school participation recorded as youths engage in work
»RDC-XI to review 2011 budget proposals of government agencies
»Increasing media awareness on reproductive health noted
»Efforts underway to beef up EAGA as "food basket" in ASEAN
»Feature: Remote village connects to the world
»Tagum holds 2nd annual Flores de Tagumeņos
»Bislig City officials visit Tagum City
»Panabo City prepares for 112th Independence Day celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines