Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 20 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/01

Tagalog News: 5 na patay, 3 sugatan sa pang-aatake ng NPA sa Cam Sur

by MA Loterte

Legazpi City (1 June) -- Lima na ang patay habang tatlo ang sugatan sa pinakamadugong pag-atake ng New People's Army (NPA) sa bayan ng Presentacion sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon kay LtCol Ernesto Cruz, Commander ng 42nd Infantry Battalion, narekober na ng kanilang unit ang mga bangkay ng apat pang kasamahan bandang alas tres kahapon ng hapon sa Barangay San Francisco, Presentacion, Camarines Sur.

"Lahat ng mga namatay at naiulat na nawawalang sundalo ay nakuha na at inihatid na rin sa headquarters sa bayan ng Nabua," ayon kay Cruz.

Kinilala ang mga nasawi na sina 1Lt. Miguel Logronio Jr., team leader at miyembro ng Philippine Military Academy Class of 2009, Cpl. Arturo Hernandez, Pfc Albert Jamera, at Pfc. Edwin Britannico. Ang mga ito ay nagtamo ng multiple gunshot wounds at shrapnel wounds.

Kasama ng apat na mga bangkay ang sugatan na si Pfc. Bernanrd Vergara na kabilang sa 12-man team na naatasang mag-recover sa bangkay naman ni Pfc. Alvin Arias na unang pinatay ng mga NPA sa bahagi ng Barangay Bicalen noong Sabado ng hapon.

Subalit hindi inakala ng tropa ni Logronio na inaabangan na pala sila ng mga mahigit 20 mga rebelde kabilang sa NPA dahil sa pagdaan nila sa Barangay San Francisco kung saan pinasabugan ang kanilang sasakayan gamit ang improvised explosive device.

Dito nagkaroon ng halos isang oras na palitan ng putok kung saan dehado sa posisyon ang grupo ng militar.

Kabilang kasi sa unang nasawi ay ang mismong radioman at ang team leader na si Logronio.

Linggo na ng umaga nang magkaroon ng contact ang 42nd Infantry Battalion sa isa sa mga survivor ng ambush na si Vergara sa pamamagitan text messaging.

Nagpalabas na ng direktiba si M/Gen. Ruperto Pabustan, commander ng 9th Infantry Division, sa pag-intensify pa ng combat patrols at pagdoble ng seguridad sa road projects sa bahagi ng Presentcion Caramoan area na pangunahing target ngayon ng mga rebelde. (PIA Albay/Bicol) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Same old woes for Deped as school opening nears
»Davao DepEd chiefs differ on jejemon phenomenon
»Low high-school participation recorded as youths engage in work
»RDC-XI to review 2011 budget proposals of government agencies
»Increasing media awareness on reproductive health noted
»Efforts underway to beef up EAGA as "food basket" in ASEAN
»Feature: Remote village connects to the world
»Tagum holds 2nd annual Flores de Tagumeņos
»Bislig City officials visit Tagum City
»Panabo City prepares for 112th Independence Day celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines