Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 24 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/01

Tagalog News: 2 mariculture zones sa Sorsogon isasailalim sa rehabilitasyon

by BA Recebido

Sorsogon Province (1 June) -- Dalawa sa tatlong mariculture zones dito sa lalawigan ng Sorsogon ang isasailalim sa rehabilitasyon matapos na mangasira bunsod ng serye ng mga nagdaang bagyong tumama sa probinsya.

Ayon kay Provincial Fisheries Officer Gil Ramos, tiyak na matutuloy na ang rehabilitasyon ng mariculture zone sa lungsod ng Sorsogon at sa bayan ng Magallanes ngayong tapos na rin ang halalan na isa sa mga kadahilanan ng pagkaantala ng pagsasaayos nito.

Ipinahayag ni Ramos na patuloy ang pagpupunyagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources hindi lamang sa lalawigan ng Sorsogon kundi sa buong rehiyon na matulungan ang mga mangingisdang interesadong pumasok sa fish sea cage culture.

Ang Bicol region ay may anim na mariculture zones kung saan tatlo dito ay nasa lalawigan ng Sorsogon, dalawa sa Camarines Sur at isa sa Masbate.

Ito ay may kabuuang 1,705 na ektarya at bukas sa mga imbestor, korporasyon, kooperatiba at mga indibidwal na nagnanais magkaroon ng magandang kita sa pamamagitan ng fish cage culture.

Matatandaang nasa 500-hectare ang Bacon Mariculture Zone Development and Management Project sa Sogod Bay, Sorsogon City, 300-hectare naman ang Magallanes Mariculture Zone Project na pumapalibot sa Bagatao at Tinacos Island sa bayan ng Magallanes, habang nasa isangdaang ektarya naman ang bagong tayo ngayong taon na mariculture park sa bayan ng Matnog.

Ayon kay Ramos, sa oras na tuluyan nang marehabilitate and dalawang marine zones, tiyak na magiging produktibo din dito ang seaweed farming, aquasilvi-culture at sea ranching ng mga ulang at sea horses, maliban pa sa mga fin fishes.

Aniya, ang pagkakadeklara ng katubigan sa mga lugar na ito bilang mariculture zones at parks ang magbibigay proteksyon at magpapalago ng produksyon ng marine products sa lalawigan. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Same old woes for Deped as school opening nears
»Davao DepEd chiefs differ on jejemon phenomenon
»Low high-school participation recorded as youths engage in work
»RDC-XI to review 2011 budget proposals of government agencies
»Increasing media awareness on reproductive health noted
»Efforts underway to beef up EAGA as "food basket" in ASEAN
»Feature: Remote village connects to the world
»Tagum holds 2nd annual Flores de Tagumeņos
»Bislig City officials visit Tagum City
»Panabo City prepares for 112th Independence Day celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines