Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/01

Tagalog News: BFAR nanawagan sa mga LGUs na ipatupad ang RA 8550

Legazpi City (1 June) -- Nanawagan si BFAR Sorsogon Provincial Fisheries Officer Gil Ramos sa mga Local Government Units na mahigpit na ipatupad ang Republic Act 8550 o ang Batas Pampangisdaan ng 1998.

Ayon kay Ramos ilan sa mga suliraning hanggang sa kasalukyan ay hindi pa rin nabibigyang-solusyon ay ang paglabag sa mga ipinagbabawal na gawaing pampangisdaan kung kaya't umaapela siya sa mga opisyal ng Local Government Units na mahigpit na ipatupad ang batas na sumasaklaw dito.

Binigyang-diin ni Ramos na kabilang sa mga ipinagbabawal na gawaing pampangaisdaan ay ang paggamit ng pampasabog, kuryente, superlight, fine meshed net, active gear at muro-ami, pagkuha ng mga puting buhangin, conversion ng mga bakawan, paglabag sa itinakdang dami ng huhulihing lamang-dagat, polusyon sa katubigan, panghuhuli at pag-export ng mga korales at, iba pang mga gawaing makapipinsala sa tirahan at buhay ng mga lamang-dagat.

Sinabi ni Ramos na handa ang tanggapan ng BFAR na tumulong sa mga LGU sa pamamagitan ng pagpapahiram ng mga model ordinances at pagreview sa mga batas pampangisdaan na nais ipasa ng mga lokal na pamahalaan dito.

Balak din nila diumano na maupo sa sesyon ng mga Sangguniang Bayan at Lungsod upang i-orient ang mga ito at i-review ang mga kaukulang batas na makakatulong upang mapangalagaan ang mga katubigan at programang pampangisdaan ng pamahalaan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Same old woes for Deped as school opening nears
»Davao DepEd chiefs differ on jejemon phenomenon
»Low high-school participation recorded as youths engage in work
»RDC-XI to review 2011 budget proposals of government agencies
»Increasing media awareness on reproductive health noted
»Efforts underway to beef up EAGA as "food basket" in ASEAN
»Feature: Remote village connects to the world
»Tagum holds 2nd annual Flores de Tagumeņos
»Bislig City officials visit Tagum City
»Panabo City prepares for 112th Independence Day celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines