Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 14 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/01

Tagalog News: RDC Bicol inindorso ang P1.2-B investment package para gawing mega-economic hub ang Albay

Legazpi City (1 June) -- Inindorso na ng Regional Development Council (RDC) ng Bicol ang investment package para sa Albay na nagkakahalaga ng P1.2 billion na kinikinitang magpapalago ng local na ekonomiya at magpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa loob ng tatlong taon.

Isinusulong ng RDC ang Albay's GUICADALE (Guinobatan-Camalig-Daraga-Legazpi City) Economic Platform kasama ang kinakailangang pondo sa National Economic Development Authority (NEDA) central office.

Ayon kay Albay Governor Joey Salceda, na siya ring pinuno ng RDC Bicol, ang economic platform ay magsisilbing isang physical framework strategy sa pagpapalago ng local na ekonomiya sa lalawigan, kasama ang development of upland areas into a new suburban area; interconnecting the provinces of Albay and Sorsogon into a common economy for bigger domestic market and investments.

Layunin din nang nasabing proyekto na matugunan ang kinakailangang proyekto upang mapalakas pa ang programa sa disaster risk reduction sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga lugar para sa tirahan, negosyo, opisina at iba pa na ligtas sa mga sakuna ng dulot ng Mayon eruption, bagyyo, pagbabaha, o tsunami.

Noong 2008 ay naisagawa at natapos na ng Provincial Government ng Albay ang feasibility study para sa nasabing proyekto.

Inihayag din ni Salceda na aabot sa 23.65 porsiyento ang Economic Internal Rate of Return (EIRR), samantalang P872.5 million naman ang Net Present Value (NPV), is, which makes the project economically viable.

Ayon kay Salceda, napapaloob sa GUICADALE project ang circumferential road na may 11 seksyon at bagong arterial roads na may anim na seksyon naman. Ang nasabing kalsada ay magdudugtong ng mga kalapit lugar sa Bicol International Airport na nasa bayan ng Daraga, Philippine National Railways (PNR) South Central Station, at ang proposed na regional government center site, at mga resettlement para mga mamamayan.

Kakailanganin ang pondong P854.2 million, ayon ka Salceda, samantalang mabebenipisyohan naman nito ang aabot sa 187,314 na mga residente ng mga bayan ng Guinobatan, Camalig, Daraga, Jovellar at lungsod ng Legazpi. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Same old woes for Deped as school opening nears
»Davao DepEd chiefs differ on jejemon phenomenon
»Low high-school participation recorded as youths engage in work
»RDC-XI to review 2011 budget proposals of government agencies
»Increasing media awareness on reproductive health noted
»Efforts underway to beef up EAGA as "food basket" in ASEAN
»Feature: Remote village connects to the world
»Tagum holds 2nd annual Flores de Tagumeņos
»Bislig City officials visit Tagum City
»Panabo City prepares for 112th Independence Day celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines