Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/02

Tagalog News: Feature: Iwasan ang mga school supplies na gawa sa PVC o poison plastic

Ni Carlo P. Canares

Laoag City, Ilocos Norte (2 June) -- Pasukan na naman. Bisi na naman ang mga magulang sa pamimili ng mga gamit pang eskwela ng kanilang mga anak. Kagaya na lamang ng lunchbox, art supplies, bag, notebook, payong, at iba pa.

Subalit alam ninyo ba na marami sa mga ito ay may halo o gawa sa ipinagbabawal na polyvinyl chloride (PVC), o plastic number 3. Ang PVC, o'poison plastic' ay delikado sa kalusugan at maging sa kalikasan dahil gumagamit ng cancer-causing chemicals para makabuo ng PVC. Sa pagkunsomo o paggamit ng PVC, maaaring ma-dissolve sa tubig ang mga chemical additives kagaya ng cadmium, lead, organotins at phthalates. Sakaling kailangan sunogin ang PVC upang itapon o i-dispose, ito ay bumubuo naman ng dioxins.

Ang mga PVC softeners/plasticizers na nagdudulot ng sakit kagaya ng asthma, autism, at mga developmental, nervous, reproductive and respiratory na problema. Dahil dito, ipinagbawal na ng Estados Unidos ang paggamit ng PVC sa mga laruan ng mga bata simula pa noong 2008. Kung kaya't kailangan iwasan ang paggamit nito.

Subalit marami pa din naglilipanang mga paninda dito sa PIlipinas na gawa sa PVC. At ngayon ngang pasukan na naman, siguraduhin na bumili lamang ng mga school supplies na PVC-free. Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Department of Trade & Industry (DTI) ay dapat magsagawa ng random testing ng mga school supplies lalo na ang mga ibinibenta sa Divisoria, tiangge at iba pang lugar na mas mura ang paninda. Kailangan din mahigpit na ipatupad ang product labeling requirements at maglabas ng product safety advisories.

Narito ang ilang tips sa mga magulang sa pagbili ng PVC-free school supplies ngayong pasukan. Basahin mabuti ang label ng mga bibilihin upang makasiguro.

Iwasan ang mga modeling clays na gawa sa PVC. Huwag bumili ng mga bag o backpacks na mayroon makintab na plastic designs dahil kadalasan ay may halo itong PVC at lead. Gayun din sa mga kapote, rainboots, handbags, jewelry, sinturon, at mga prints sa damit ng mga bata. Iwasan din ang payong na makintab at makukulay na gawa sa plastic dahil kadalasan ito ay gawa sa PVC. Bumili ng payong na gawa sa nylon.

Bumili lamang ng mga lunchboxes na gawa sa metal. Karamihan kasi sa mga plastic na lunch box ay gawa sa PVC o coated ng PVC. Sa pagbabalot naman ng mga baon o pagkain ng inyong mga anak, gumamit lamang ng PVC-free food wrap o butcher paper, wax paper, o cellulose bags.

Sa mga school supplies naman kagaya ng notebook at organizer, address book, iwasan ang mga spirals na coated ng colored plastic. Kadalasan ay gawa sa PVC ang plastic coating. Maging ang mga colored paper clips na ginagamit din sa mga opisina ay coated ng PVC kung kaya't mas mabuti na gamitin ang plain metal paperclips.

Ito ay ilan lamang sa mga paalala sa mga mamimili ngayong pasukan upang maging ligtas sa kalusugan at makatulong sa kapiligiran. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Land reform key to combat climate change - expert
»NYC pushes for 4Ps extension
»Diwalwal residents take to the streets to protest large-scale mining entry
»Commentary: NPA anti-Lumad campaign reaches alarming proportions
»Aboitiz encourages UN's universal education goal
»Stricter "no smoking" policy in public utility vehicles
»Waray-Waray News: Presidente nagpasalamat sa kanya igkasi Pilipino
»Waray-Waray News: DOH magkondukto planning workshop para san proyekto pag eliminar sa rabies sa Visayas
»Maasin City gets award for no smoking campaign
»Cebuano News: PGMA nagpasalamat sa mga tagilungsod
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines