Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/08

Tagalog News: Region 12 magkakaroon na ng Agricultural Tramline

General Santos City (8 June) -- Malapit nang maibsan ang hirap sa pagtransport o pagkarga ng mga gulay ang mga magsasaka mula sa mga bulubunduking lugar ng Lake Sebu, Lake Agco, Kiamba at Bagumbayan.

Ito ay dahil malapit na ring matapos ang ginagawang Tramline na ipinapatupad ng Department of Agriculture 12 at ng Bureau of Post Harvest Research and Extension o BPHRE.

Ayon kay DA-12 Regional Exectutive Director Tommy Ala, apat na Agricultural Tramline ang kasalukuyang ginagawa ngayon ng DA at BPHRE sa tulong ng Local Government Units dito sa rehiyon dose.

Ayon kay Ala, ang mga Agricultural Tramline ay matatagpuan sa Barangay Talisay, Lake Sebu sa South Cotabato; Sitio Sabayan sa Barangay Ilumabis, Kidapawan City; Sitio Falls sa Barangay Masiag, Bagumbayan, Sultan Kudarat, at Barangay Nalus sa Kiamba, Sarangani Province.

Idinagdag ni Engr. Phaidal Ladja, project in-charge, ang Tramline ay siyang ginagamit sa pagkarga ng mga gulay mula sa isang bundok patungo sa lugar na paglagakan o hi-way gamit ang kable.

Ayon kay Ladja, aabot sa dalawandaang ektarya (200 hectares) ng mga gulayan bawat tramline ang maseserbisyuhan nito kung saan malaking tulong ito sa mga magsasaka lalo na ang mga nasa highland areas o mga Indigenous group.

Ang proyektong ito na may kabuuang pondo na umaabot sa pitong milyon (P7 million) ay nasa 70-80 percent accomplished na at inaasahang matatapos at pasisinayaan sa susunod na buwan. (neylanan/PIA SarGen) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Flash mob marks Eagle Week
»Cheaper fuel, electricity slow down May inflation
»2nd batch of fresh troops arrive in Davao region
»NPA extortionists torch farm equipment, steal farm animals in Sultan Kudarat
»Panabo turns over 3 school buildings to DepEd
»Cebuano News: Release sa loan ubos sa Koopnegosyo sa Comval gisugdan sa DBP
»Hydroelectric dam releases water for Cagayan Valley farmers
»NVizcaya elementary studes get health supplies
»Northern Samar inaugurates Catubig Dam
»Waray-Waray News: Kamurayawan dako nga ayat han sunod nga Presidente
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines