Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 26 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/11

Tagalog News: Ika-112 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, ipagdiriwang sa lalawigan ng Bulacan

Lungsod ng Malolos (11 June) -- "Kalayaan: Tagumpay ng Bayan".

Ito ang magiging tema sa gaganaping pagdiriwang ng ika-112 taong anibersaryo ng Araw ng Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas sa makasaysayang simbahan ng Barasoain ng nabanggit na lungsod.

Nakatakdang simulan ang nasabing pagdiriwang sa isang parada sibiko at militar na lalahukan ng mga beterano, guro, barangay leaders, estudyante,at mga opisyal ng pamahalaang lokal at nasyonal.

Ito ay magsisimula sa Kapitolyo ng lalawigan at sa Malolos Central School patungo ng simbahan ng Barasoain.

Matapos ang isasagawang parada, pangungunahan ng Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Vilma Labrador, panauhing pandangal at tagapasalita ang pagtataas ng watawat at ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Hen. Emilio Aguinaldo.

Susundan ito ng isang maikling programa kung saan inaasahang magbibigay ng mensahe si Usec Labrador sa mga natamong tagumpay ng bansa matapos makamit ng sambayanang Pilipino ang kalayaan ng bansang Pilipinas.

Inaasahang din ang pagdalo ng mga opisyal ng lalawigan sa gaganaping pagdiriwang sa pangunguna ni Bulacan Governor Joselito Mendoza, Kinatawan Marivic Sy Alvarado ng Unang Distrito ng Bulacan, Vice- Governor Wilhelmino Sy Alvarado, Malolos City Mayor Danilo Domingo, Vice Mayor Emmanuel Sacay at ang iba pang mga pinuno ng ahensiya sa Rehiyon 3. (PIA-Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Reds abduct, murder village leader; another escapes
»NPA murders another NPA in Davao City
»Lady solon defends sex education
»Tagum City culminates SPES program
»Banana export industry foundation awards scholarship grants
»Kabisig to hold medical mission on Independence Day
»Davao Region students grab grand prize in DAR's mural painting contest
»Cebuano News: Comval PHO outreach gipakusog, dugang 227 gituli ug 225 giibtan sa ngipon
»Cebuano News: Drum and bugle instruments nahatag sa 77 ka mga tulunghaan sa Comval
»Waray-Waray News: Nagpahayag an SRA matungod san kadugangan nga importasyon san asukar
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines