Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 24 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/21

Tagalog News: PDCC Quezon naghahanda para sa National Disaster Conciousness Month

by Ruel Orinday

Lucena City (21 June) -- Naghanda na ang Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC- Quezon) ng mga aktibidad para sa National Disaster Conciousness Month sa buwan ng Hulyo 2010 kung saan ang tema ng pagdiriwang ay "Kapag Alerto, Malayo sa Peligro".

Ayon kay Dr. Buzar, Civil Defense Deputized Coordinator ng PDCC-Quezon, tampok sa nasabing pagdiriwang ang isang parada at pagho-host ng isang flag raising ceremony at isang programa sa may kapitolyo ng Quezon sa Hulyo 5, 2010 na dadaluhan ng mga miyembro ng PDCC-Quezon gayundin ng mga kawani ng pamahalaang lokal at nasyonal

Bukod dito, tampok din ang pagpapakita o static display ng mga rescue equipment sa Quezon Convention Center sa Hunyo 5 at 6, 2010 at pagahahanda para sa earthquake drill kung saan gagawin ang earthquake drill sa Hulyo 16, 2010. sa Quezon Medical Center, Lucena City sa pangunguna ng mga miyembro ng PDCC-Quezon, Quezon Medical Center at DOH personnel.

Samantala, isasagawa rin ang First General Assembly of Quezon Responders sa Quezon National High School sa Hulyo 16-18, 2010 (1st and 2nd district) at Hulyo 23-25, 2010 (3rd and 4th district). Isa sa layunin ng aktibidad na ito na paghusayin ang mga kasanayan at madagdagan ang mga kaalaman ng mga responders sa disaster operation unang una na dito ang pagliligtas ng buhay ng tao sa oras ng kalamidad.Layunin din nito na malimitahan ang bilang ng mga namamatay o nasisirang mga aria-arian kapag may dumarating na kalamidad.

Samantalang gaganapin naman ang First Quezon Provincial Disaster Summit sa Quezon Convention Center, Lucena City sa Hulyo 28, 2010.

Para sa iba pang mga detalye o katanungan ukol sa mga nasabing aktibidad, maaaring tumawag kay William Edzar B. Lipit sa CP No. 0920-826-1432 o kaya kay Olette Padilla-Cabana, PDCC Secretary sa Tel.# (042) 710-4050 o CP No. 0920-830-9044 bago pa man sumapit ang petsa na Hunyo 30, 2010. (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Cebuano News: Ang Palasyo mihatag kaseguruhan sa padayong serbisyo sa AFP
»Cebuano News: Rieth nakig-uban sa mga higala sa usa ka thanksgiving party
»Palace assures continuous service in AFP
»Tagalog News: Advocacy on child labor at wage consultation, isasagawa ng DOLE
»PGMA gives farewell message to the nation
»Another investor may be needed to develop Leyte hotel, guv says
»Training for newly-elected mayors of Region 8 starts
»Cebuano News: Mga Koreano interesadong mamuhunan sa Pangasinan
»Cebuano News: RP mag-host sa international maritime diplomatic meeting
»Cebuano News: Mga negosyanteng Amerikano miimbitar ni Noynoy sa Washington
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines