Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/22

Tagalog News: Natural farming system isinusulong sa Iriga

Legazpi City (22 June) -- Isinagawa ang pangalawang sesyon nang Farmers Field School (FFS) sa Vegetable Production na layuning maturuan ang mga magsasaka sa tamang pagtatanim na gulay na mataas ang kalidad, mula sa pagpapatubo pa lamang hanggang sa paglaki nito na gamit ang organic fertilizer para mapangalagaan rin ang kapaligiran.

Ang natural farming system, sa ilalim ng Gulayan Project, ang tinututukan ngayon sa pagsasanay ng mga magsasaka sa loob ng Farmers Field School sa Barangay Santiago, Lungsod ng Iriga.

Ayon sa Provincial Agriculture Office (PAO) ng Camarines Sur, umabot sa 50 mga vegetable producers ang dumalo sa nasabing pagsasanay mula sa iba't ibang mga barangay sa lungsod at karatig bayan nito.

Layunin ng training program na matutunan ng mga magsasaka ang natural farming system, sa paggawa ng organic liquid fertilizer, kabilang na ang Fermented Plant Juice (FPJ), Fermented Fruit Juice (FFJ), Fish Amino Acid (FAA) at ang Indigenous Micro- Organism (IMO).

Ang mga patabang ito ay natutunang gawin ng mga magsasaka na hindi na kailangang gumastos ng malaking halaga para sa kanilang mga gulayan.

Ang Farmers Field School ayy gumagamit ng estratihiyang kombinasyon ng orientation at actual field demonstration na isinasagawa mismo sa taniman ng mga gulay para mas matunghayan mismo ng mga magsasaka ang gamit at epekto nito sa mga pananim.

Ang Farmers Field School ay isa sa mga programa na patuloy na sinusuportahan ni Gobernador LRay Villafuerte kaugnay ng kanyang programa sa pagpapaunlad ng agrikultura at magkaroon ng alternatibong hanapbuhay ang mga mamamayan sa lalawigan.

Ang pagsasanay sa mga magsasaka ay pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office, sa pakikipagtulugan ng Agricultural Training Institute (ATI) at na Rinconada Movement for Economic and Sustainable Agriculture (RINCOMESA).

Kabilang sa mga high value vegetable na pinag-aralang patubuin at palakihin sa pamamagitan ng natural farming system ay kamatis, pechay, lettuce, cucumber, pole sitao, asin at watermelon na sagana saang mga panig ng Bicol. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Southern Mindanao port district revs up on environment, health and safety
»Ginger production creates additional income
»Kapalong culminates youth summer workshop
»Local terrorists strike anew, hold commuters, take cellphones and abduct two unarmed troops in ComVal
»Reds carnap trucks, fail in attack against law enforcers in Davao Oriental
»Davao City hosts first area review workshop on Provincial Development Investment Program
»Army, people of Sto Tomas organize "Run for Peace"
»Mayor taps agencies for KALAHI-CIDSS priority proposals
»Panabo celebrates 112th Philippine Independence, visits untold war story
»Business locators in Carmen offered tax breaks
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines