Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/22

Tagalog News: Si PGMA ang pinakamasipag na Presidente - Enrile

Manila (22 June) -- Sa paglalarawan ni Senate President Juan Ponce Enrile, si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay isa sa pinakamasipag na pangulo ng PIlipinas.

Pinuri rin niya ang Pangulo sa mga infrastructure projects na natapos sa ilalim ng kanyang administrasyon, na mas marami kung ikukumpara sa tatlong nagdaang administrasyon.

Aniya, hindi maikakaila na pinakikinabangan ng bansa ang mga paliparan, roll-on roll-off, mga bagong daan, at pag-unlad sa agrikultura dahil sa irrigation projects.

Kinilala rin niya na malaki ang nagawa ng Pangulo para malampasan ng bansa ang pandaigdigang krisis pang-ekonomiya na nagsimula noong 2008. Dahil umano sa mga programang pang-ekonomiya na ipinatupad ng Pangulo hindi gaanong malubha ang epekto ng global economic crisis sa bansa kung ikukumpara sa Thailand, Vietnam, at Malaysia.

Gayunman, sinabi ni Enrile na hindi naging popular ang administrasyong Arroyo dahil sa mga payong legal na natatanggap nito. Partikular na tinukoy ni Enrile ang Executive Order 464 na nagbabawal sa mga opisyal na pamahalaan na humarap sa mga imbestigasyon ng Senado.

Sinabi rin niya na hindi na kailangang magtatag ni President-elect Benigno Aquino III ng isang special commission na mag-iimbestiga sa umano'y mga anomalya sa administrasyong Arroyo. Siguraduhin na lang daw nito na magtalaga ng magaling na secretary ng Department of Justice na hahawak sa mga kaso laban sa Arroyo government. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Southern Mindanao port district revs up on environment, health and safety
»Ginger production creates additional income
»Kapalong culminates youth summer workshop
»Local terrorists strike anew, hold commuters, take cellphones and abduct two unarmed troops in ComVal
»Reds carnap trucks, fail in attack against law enforcers in Davao Oriental
»Davao City hosts first area review workshop on Provincial Development Investment Program
»Army, people of Sto Tomas organize "Run for Peace"
»Mayor taps agencies for KALAHI-CIDSS priority proposals
»Panabo celebrates 112th Philippine Independence, visits untold war story
»Business locators in Carmen offered tax breaks
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines