Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/08

Tagalog News: Mga kampiyon sa literasi, pararangalan sa NLA

by Lyndon Plantilla

Quezon City (8 September) -- Ipagbubunyi ng mga manggagawa sa edukasyon ang mga tagasulong ng Literasi ngayong linggo sa National Literacy Awards (NLA).

Idinadaos kada dalawang taon ng Literacy Coordinating Council (LCC), kinikilala ng NLA ang mga organisasyon at lokal na pamahalaan na may palatuntunan kontra kamang-mangan o iliterasi.

Gagaganapin sa Lungsod ng Baguio ang NLA mula Huwebes hanggang Biernes.

Nilalayon ng mga programa sa literasi na makatulong sa mga hindi makapag-aral kabilang ang mga paslit para mabuhay na marangal at maging kapaki-pakinabang sa kanilang kumunidad. Sa ilalim ng isang literacy program, itinuturo ang mga batayang kakayahan sa pakikipag-talastasan, sa malaliman at malikhaing pagsusuri, sa paglutas ng mga suliranin, sa pagkasangkapan at pagyayaman ng resources. Dalawang kategorya ang NLA: ang Outstanding Literacy Program Awards para sa mga sibikong organisasyon o Non-Government Organization kabilang ang institusyong akademiko at ang Local Government Units Awards para sa mga lungsod at bayan. Dapat lahat ng mga nominado ay mayroong mga patakaran at programang pang-literasis sa loob ng tatlong o mahigit pang taon. Dapat nagkaroon din ng markadong pagbabago sa buhay ng mga benepisyaryo ang mga patakaran at programang ito..

Ilan sa mga programang pinarangalan sa mga nakaraang NLA ay ang SAGIP KAPATID (Secure and Assist the Genuine Indigenous People through Knowledge and Application of Practical Approaches Towards Immediate Development) ng Antipolo City kung saan pinagsama ang literasi at ang livelihood training para sa mga Dumagat, Project REY (Reading Empowers Youth) ng Tagum City kung saan pinarami ng mga reading clinic ang mga batang nagbabasa, ang Community Learning Center Project at ang Barangay AID on Literacy ng Tubungan, Iloilo kung saan maraming mga mahihirap at mga katutubong kumunidad ang nakinabang at ang programang literasi ng Agoo, La Union para sa mga hindi nakapag-aral at mga batang lansangan.

Ang LCC ay isang pambansang konseho na nangangasiwa ng mga patakaran, programa at direksyon ng literasi sa bansa. Ang mga bumubuo sa Konseho ay ang Department of Education (DepEd), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Information Agency (PIA), Philippine Normal University (PNU), National Economic and Development Authority (NEDA), ang Senado, ang Kamara de Representante at ang mga NGO na nakalubog sa edukasyong pang-literasi. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DTI to present Philippine Business Registry program in CAR
»Utility providers clarify 5% power, water bills discount for senior citizens
»Tagalog News: PNoy gagawaran ng parangal ng kolehiyo sa Amerika ng dating Pangulong Cory
»Tagalog News: 5 barangay sa Bulacan na may pinakamahuhusay na programa, pararangalan ng pamahalaang panlalawigan ngayong Sabado
»Davao drainage team to run after "sako gang"
»Civil servants urged to RACE for change
»Farflung entrepreneurs to benefit from paperless business registry
»Impact of aid effectiveness initiatives on health, rural sectors to be assessed
»Davao Oriental out-of-school youth complete Masonry NC2 training
»ComVal joins celebration of 110th Philippine Civil Service anniversary
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines