Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/14

Tagalog News: Mga natatanging Bulakenyo kikilalanin ng pamahalaang panlalawigan ngayon

Malolos City (14 September) -- Isang panibagong grupo ng mga natatanging indibidwal ang pararangalan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ngayong araw sa Hiyas Pavilion.

Kinikilala ng Gawad Dangal ng Lipi o DNL ang mga Bulakenyo na naging matagumpay sa kani-kanilang larangan.

Ayon sa Provincial Planning and Development Office, may 12 kategorya ang DNL.

Ito ang paglilingkod bayan, paglilingkod pampamayanan, propesyunal, pangangalakal at industriya, edukasyon, kalusugan, agham at teknolohiya, agrikultura, sining at kultura, Bulakenyo Expatriate, isports at Tanging Bulakenyo na siyang pinakamataas na parangal na maipagkakaloob sa isang mamamayan na nagtagumpay sa lahat ng larangang nabanggit.

Dating kilala sa tawag na Dangal ng Bulacan, ang DNL ay sinimulang ipagkaloob noong 1974 sa administrasyon ni dating gobernador Nacing Santiago.

Kabilang sa mga nakatanggap na nito ay si National Artist for Literature Virgilio Almario na nakilala sa pen name na Rio Alma, ang artistang si Joey de Leon at ang broadkaster na si Cheche Lazaro.

Ang DNL ay isa sa mga pinaka-a-abangang aktibidad ng taunang Singkaban fiesta ng probinsya. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DSWD 3 inanunsyo na ang regional finalists sa 4Ps jingle making contest
»Tagalog News: Mga natatanging Bulakenyo kikilalanin ng pamahalaang panlalawigan ngayon
»Dureza calls support for new MinDA head
»Davao City eyes malarial area for agri-development
»R-XI nominees cop major prizes in literacy awards
»NEDA seeks long-term Mindanao development plan adoption
»Davao Norte to fund beautification of barangay sites
»Gov brings light to Napunggas
»September 26 is World Heart Day
»R1 gov't agencies join RACE mall tour
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines