Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/14

Tagalog News: PhilHealth members na na-dengue, maaari na ring tulungan ng PhilHealth

by Ruel M. Orinday

Lucena City (14 September) -- Nagpahayag ng pagsuporta ang Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) sa mga miyembro nito na biktima ng dengue sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaukulang benepisyo kasama na ang mga dependents na maaaring magkasit din ng dengue.

Sinabi ni Dr. Rey B. Aquino, PhilHealth President at CEO na nababahala sila sa patuloy na pagdami ng bilang ng kaso ng dengue sa buong bansa kung kaya't walang dapat ipangamba ang mga miyembro o dependent nito kung sakaling magkasakit ng dengue dahil magagamit na nila ang kanilang benipisyo kung sakaling ma-ospital.

Para sa stage 1 na dengue, ang miyembro na ipinasok sa tertiary level hospitals ay may P500 kada araw para sa room and board at P4,200 para sa gamot na kinakailangan ay kabilang sa Philippine National Drug Formulary (PNDF). Bukod dito, may karagdagang P3,200 para sa mga x-ray at iba pang laboratoryo na isasagawa habang nasa loob ng ospital at P1,200 ang pinakamataas na maaaring ibayad sa doktor.

"Ang mga benipisyong nabanggit ay maaaring magamit kung ang isang may kaso ng dengue ay magpapa-ospital sa humigit kumulang sa 1,300 PhilHealth accredited hospitals sa buong bansa", dagdag pa ni Dr. Aquino.

Samantala, simula Enero hanggang Hunyo 2010, umaabot na sa P191M ang nabayaran ng PhilHealth sa mga miyembro nito na biktima ng dengue fever at dengue hemorrhagic fever. Ang halagang binayaran ay para sa 24,583 claims na natanggap ng PhilHealth sa buong bansa.

Kaugnay nito, hinikayat ni Dr. Aquino ang lahat mamamayan na suportahan ang 4S Laban sa Dengue campaign na pinangungunahan ni Health Sec. at PhilHealth Board Chair Dr. Enrique T. Ona. (PhilHealth RO IV-A/PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DSWD 3 inanunsyo na ang regional finalists sa 4Ps jingle making contest
»Tagalog News: Mga natatanging Bulakenyo kikilalanin ng pamahalaang panlalawigan ngayon
»Dureza calls support for new MinDA head
»Davao City eyes malarial area for agri-development
»R-XI nominees cop major prizes in literacy awards
»NEDA seeks long-term Mindanao development plan adoption
»Davao Norte to fund beautification of barangay sites
»Gov brings light to Napunggas
»September 26 is World Heart Day
»R1 gov't agencies join RACE mall tour
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines