Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 23 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/14

Tagalog News: Workshop on agricultural disaster management isinasagawa sa Palawan

Puerto Princesa City (14 September) -- Sa layuning matugunan ang pangangailangan sa isang epektibong disaster management system na may kinalaman sa sektor ng agrikultura sa buong rehiyon ng MIMAROPA, ay sumasailalim ngayon sa dalawang araw na "Workshop on Agricultural Disaster Risk Management System" ang mga agricultural technicians at mga report officers nito mula sa iba't ibang munisipyo sa lalawigan.

Ang aktibidad na sinimulan ngayong araw, ika-8 ng Setyembre sa The Legend Hotel, lungsod ng Puerto Princesa ay itinataguyod ng Department of Agriculture-Regional Field Unit (DA-RFU) 4-B sa pakikipagtulungan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA). Ito ay bilang pagsuporta sa sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Palawan na isa sa prayoridad ng pamunuan ni Gob. Baham Mitra.

Napag-alaman mula sa OPA na layon ng naturang workshop na mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga partisipante sa sistematiko, agaran at tamang pag-uulat ng mga agricultural damage na dulot ng sakuna sa kanilang nasasakupang lugar.

Sa kaugnay na balita, patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ang kakayanan ng mga magsasakang Palaweño sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba't ibang pagsasanay.

Humigit-kumulang sa walumpung magsasaka ng barangay Aporawan, sa bayan ng Aborlan ang sumasailalim sa Rubber Production training na itinataguyod ng OPA sa pakikipagtulungan ng DA-Region 4-B sa pamamagitan ng regional focal person nito na si G. Hernani Lapid. Ang dalawang araw na pagsasanay ay magtatapos ngayon, ika-8 ng Setyembre.

Sa pagsasanay na ito tinuturuan ang mga partisipante sa buong proseso ng pagtatanim ng goma, simula sa paghahanda ng lupang pagtatamnan hanggang sa pag-aani. Ang mga magsasaka na sumailalim sa ganitong pagsasanay ay maaaring mag-avail ng "Plant Now, Pay Later" program ng Pamahalaang Panlalawigan at ng DA-Region 4-B. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DSWD 3 inanunsyo na ang regional finalists sa 4Ps jingle making contest
»Tagalog News: Mga natatanging Bulakenyo kikilalanin ng pamahalaang panlalawigan ngayon
»Dureza calls support for new MinDA head
»Davao City eyes malarial area for agri-development
»R-XI nominees cop major prizes in literacy awards
»NEDA seeks long-term Mindanao development plan adoption
»Davao Norte to fund beautification of barangay sites
»Gov brings light to Napunggas
»September 26 is World Heart Day
»R1 gov't agencies join RACE mall tour
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines