Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/14

Tagalog News: 10 huli ng KSK habang iligal na nangingisda sa Roxas

Puerto Princesa City (14 September) -- Dahil sa putuloy na masiglang mga operasyon ng Kilusan Sagip Kalikasan upang matugunan ang adhikain ni Gob. Baham Mitra na paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan ng Palawan, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang isinasagawang mga operasyon.

Huli sa akto ng grupo ng KSK ang sampung mga kalalakihan lulan ng isang bangkang de motor habang iligal na nagsasagawa ng pangingisda gamit ang hulbot-hulbot sa may karagatang sakop ng Barangay Caramay sa bayan ng Roxas noong ika-4 ng Setyembre, taong kasalukuyan.

Base sa imbestigasyong isinagawa ng grupo, napag-alamang ang nasakoteng bangka na may pangalang F/B Nono Rey ay pagmamay-ari diumano ng isang nagngangalang Cristina Sevilla, residente ng Bgy. IV sa nasabing munisipyo.

Samantala, nakilala naman ang sampung nadakip na mga kalalakihan na sina Roger Dayon na siyang tumatayong boat captain kasama sina Bernard Bungalso; Kamlon Mariano; Warren Mampay; Fernando Bungalso; Francisco Garcia; Nondiel Castro; Rommel Abello; Arnold Bellandrez at Clifford Batolina na pare-pareho ding residente ng nabanggit na barangay.

Nakumpiska mula sa mga nabanggit na suspek ang dalawang daang metro ng lambat na ginamit na hulbot-hulbot, lubid, angkla, mga tiklis, container na may lamang krudo, 12 volts heavy duty battery at ilan pang kagamitan sa pangingisda na sa kasalukuya'y pansamantalang nasa kustodiya ni Punong Barangay Gil Saclet ng barangay Caramay.

Matapos ang isinagawang imbestigasyon at dokumentasyon ng grupo, kaagad na dinala sa lungsod ng Puerto Princesa ang mga suspek para sampahan ng kasong paglabag sa section 89 at 90 ng Republic Act 8550.

Sa kasalukuyan ay pansamantalang nakapiit ngayon ang mga nabanggit na suspek sa Roxas Municipal Jail habang hinihintay ang araw ng paglilitis para sa kanilang kaso.

Ang matagumpay na naging operasyon ng KSK ay bunsod na rin ng impormasyong ipinarating sa grupo ng isang KSK volunteer kung kayat agad na nagsagawa ng seaborne patrol ang grupo. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DSWD 3 inanunsyo na ang regional finalists sa 4Ps jingle making contest
»Tagalog News: Mga natatanging Bulakenyo kikilalanin ng pamahalaang panlalawigan ngayon
»Dureza calls support for new MinDA head
»Davao City eyes malarial area for agri-development
»R-XI nominees cop major prizes in literacy awards
»NEDA seeks long-term Mindanao development plan adoption
»Davao Norte to fund beautification of barangay sites
»Gov brings light to Napunggas
»September 26 is World Heart Day
»R1 gov't agencies join RACE mall tour
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines