Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 24 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/14

Tagalog News: 4-H club sa Aborlan, Narra at Quezon nabenepisyuhan ng tulong puhunan

Puerto Princesa City (14 September) -- Tumanggap kamakailan ng tulong puhunan ang mga miyembro ng 4-H Club sa mga munisipyo ng Aborlan, Narra at Quezon para sa kanilang isasagawang proyektong pangkabuhayan. Ito ay bahagi ng pagpapalakas sa sektor ng agrikultura ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng HEAT program ni Gob. Baham Mitra.

Napag-alaman mula sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA) na ang mga nabenepisyuhan ng tulong puhunan ay ang 4-H Club ng Quezon na ikinatawan ni Joey Huerte bilang federation president. Ang kanilang grupo ay tumanggap ng P50,000 para sa proyektong handicraft, accessories at souvenir making.

Tinanggap naman ni Kenneth Alarcon, Provincial Federation President at kumakatawan sa 4-H Club ng Aborlan, ang P50,000 para sa kanilang proyektong pag-aalaga ng kambing; gayon din ang 4-H Club ng barangay Burirao sa bayan ng Narra na ikinatawan ni Edmal Santorcas. Samantala, si Vicente Muņez naman ang tumanggap ng P85,750 bilang kinatawan ng 4-H Club ng sitio Linao, bgy. Isaub sa Aborlan para sa kanilang proyektong swine fattening.

Ang 4-H Club ay binubuo ng mga kabataang anak ng mga magsasaka. Isa ito sa mga sinusuportahang grupong pang-agrikultura ng Pamahalaang Panlalawigan na kabilang sa farm-based organizations.

Ayon kay Gng. Mila Veneranda ng OPA, ang naturang tulong puhunan ay ipinahiram ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng Agricultural Training Institute o ATI Region IV-B. Ang pondong ito ay kanilang ibabalik ng walang interes sa loob ng itinakdang panahon na naaayon sa kanilang proyekto.

Matatandaan na una nang sumailalim ang mga nabanggit na benepisyaryo sa tatlong araw na pagsasanay patungkol sa Financial Management, Record Keeping and Project Documentation na isinagawa sa bayan ng El Nido kamakailan.

Samantala, nakatakda namang magsagawa ng oryentasyon ang OPA sa mga naturang benepisyaryo patungkol sa tamang implementasyon ng kanilang proyekto. Ito ay gaganapin sa Setyembre 10 sa bgy. Isaub, Aborlan; Setyembre 11 sa bayan ng Quezon at Setyembre 21 sa bayan naman ng Narra. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DSWD 3 inanunsyo na ang regional finalists sa 4Ps jingle making contest
»Tagalog News: Mga natatanging Bulakenyo kikilalanin ng pamahalaang panlalawigan ngayon
»Dureza calls support for new MinDA head
»Davao City eyes malarial area for agri-development
»R-XI nominees cop major prizes in literacy awards
»NEDA seeks long-term Mindanao development plan adoption
»Davao Norte to fund beautification of barangay sites
»Gov brings light to Napunggas
»September 26 is World Heart Day
»R1 gov't agencies join RACE mall tour
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines