Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 26 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/14

Tagalog News: Shutdown ng Maramag-Kibawe 138KV transmission line nagdulot ng brownout sa ilang bahagi ng Mindanao

Koronadal City (14 September) -- Dumanas ng rotational brownout ang ilang bahagi ng Mindanao kahapon kasunod ng ipinatupad na shutdown ng Maramag-Kibawe 138KV transmission line.

Ayon sa kalatas na ipinalabas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kailangan umanong ipatupad ang load curtailment sa mga nasasakupan ng South Cotabato Electric Cooperative 1 at 2; Davao del Sur Electric Cooperative, Sultan Kudarat Electric Cooperative, Maguindanao Electric Cooperative at Cotabato Electric Cooperative.

Kailangan umanong ipatupad ang shutdown ng nabanggit na transmission line ayon sa NGCP, upang maisakatuparan ang pagpapatuloy ng stringing at tapping works ng Bunawan-Maramag 230KV Transmission Bulk Project.

Saglit na naapektuhan ng pansamantalang pagkawala ng daloy ng kuryente ang mga opisina, industriya at iba pang mga consumers sa mga lalawigan ng South Cotabato, Sultan Kudarat, Davao del Sur at Cotabato.

Ipinaliwanag din ng NGCP na kailangan nilang magpatupad ng load curtailment upang maiwasan ang overloading ng power transmission highway at ang total power blackout sa mga nabanggit na apektadong lugar. Bumalik sa normal naman ang supply ng kuryente kahapon ng hapon pagkatapos ng panandaliang brownout. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DSWD 3 inanunsyo na ang regional finalists sa 4Ps jingle making contest
»Tagalog News: Mga natatanging Bulakenyo kikilalanin ng pamahalaang panlalawigan ngayon
»Dureza calls support for new MinDA head
»Davao City eyes malarial area for agri-development
»R-XI nominees cop major prizes in literacy awards
»NEDA seeks long-term Mindanao development plan adoption
»Davao Norte to fund beautification of barangay sites
»Gov brings light to Napunggas
»September 26 is World Heart Day
»R1 gov't agencies join RACE mall tour
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines