Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 22 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/14

Tagalog News: Mahuhuling daga bibilhin ng Valenzuela gov't

Manila (14 September) -- Tutumbasan ng Valenzuela City government ng kaukulang halaga ang bawat dagang mahuhuli sa buong lungsod upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na leptospirosis.

Sa isinulong na "Anti-Rodent Campaign or Catch The Rat Ordinance" ng isang konsehal, isang paraan upang mahuli at masugpo ang mga dagang may dalang mikrobyo ng sakit na leptospirosis ay sa pamamagitan ng pagbibigay-pabuya rito.

Sakaling maaaprubahan sa Sangguniang Panglungsod ang naturang ordinansa, ang mga dagang mahuhuli na tumitimbang ng kalahating kilo pababa ay babayaran ng halagang P5 habang P10 naman para sa mga dagang mahuhuli na may timbang na kalahating kilo pataas.

Pangangasiwaan naman ng city health office ang "proper disposal" sa mga dagang mahuhuli ng mga residente habang aakuin naman ng lokal na pamahalaan ang pagbabayad sa mga ito.

Isa raw kasi ang Valenzuela City sa mga lugar sa Metro Manila na madalas maapektuhan ng pagbaha at ang ihi ng apektadong daga na humahalo sa tubig baha ang siyang pumapasok naman sa katawan ng tao na dumadaan sa mga sugat o galos.

Base sa Department of Health (DOH) ang mga taong dinadapuan ng sakit na leptospirosis ay nagkakaroon ng mataas na lagnat, pagsakit ng ulo, panginginig ng katawan at kasu-kasuan, pagsusuka, paninilaw ng katawan at pamumula ng mata, pananakit ng tiyan, pagtatae at pagkakaron ng mga galos sa buong katawan.

Maaari ring pumasok ang bacteria ng leptospirosis sa pamamagitan ng pagdaan nito sa mata, bibig, ilong at ang pagkain ng mga kontaminadong pagkain at pag-inom ng tubig na nahaluan ng ihi ng daga. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DSWD 3 inanunsyo na ang regional finalists sa 4Ps jingle making contest
»Tagalog News: Mga natatanging Bulakenyo kikilalanin ng pamahalaang panlalawigan ngayon
»Dureza calls support for new MinDA head
»Davao City eyes malarial area for agri-development
»R-XI nominees cop major prizes in literacy awards
»NEDA seeks long-term Mindanao development plan adoption
»Davao Norte to fund beautification of barangay sites
»Gov brings light to Napunggas
»September 26 is World Heart Day
»R1 gov't agencies join RACE mall tour
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines