Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/15

Tagalog News: Ang S&T ay catalyst sa kaunlaran, ani DOST Sec Montejo

by Carlo P. Canares

Laoag City, Ilocos Norte (15 September) -- Tunay na ang Siyensa at Teknolohiya ay'catalyst' para sa kaunlaran. Ito ang pahayag ni Kalihim Mario Montejo ng Department of Science & Technology (DOST) sa pagbubukas ng 2010 North Luzon-wide Invention Contest & Exhibition na isinasagawa sa Ilocos Norte.

"Ang S&T ay malaking tulong sa pagpapaunlad ng bayan. Sa pamamagitan ng iba't-ibang teknolohiya pinalitan na ng mga makina ang mga tao sa paggawa ng maraming mga gawain, lalo na yaong mga monoto, delikado at dati-rati ay mahirap magawa. Ang teknolohiya ay nagiging daan tungo sa kaunlaran" ani Kalihim Montejo.

Pinuri ni Montejo ang mga siyentipiko, imbentor at mananaliksik sa kanilang mga imbensiyon at inobasyon. Sila ay binibigyang pagpupugay sa taunang pagdaraos ng National Inventor's Week. Ang tema para sa taon na ito ay "Filipino Inventions & Innovations: The Way Forward." Ang pagdaraos, ayon kay Montejo, ay nagpapakita ng talino, galing at pagiging malikhain ng mga imbentor at siyentipiko sa pamamagitan ng iba't-ibang imbensiyon at inobasyon na tutugon sa mga hamon ng S&T tungo sa kaunlaran.

Mayroon pitumpo't-dalawa (72) na siyentipiko, inhinyero, mananaliksik at mag-aaral mula sa Rehiyon 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR) ang nagpamalas ng kanilang mga imbensiyon sa nasabing patimpalak para sa anim na kategorya: Tuklas, Utility Model, Industrial Design, Likha, Sibol para sa mag-aaral sa hayskul at Sibol para sa mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga mapipiling mananalo ay magiging kinatawan ng North Luzon sa National Invention Contest.

Umaasa si Kalihim Montejo na ang nasabing patimpalak ay maghihikayat sa mga kabataan na maging interesado sa S&T. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: World Rabies Day gugunitain sa September 28
»Tagalog News: DOST 3, inaanyayahan ang mga kumpanya sa Gitnang Luzon na subukang magpasuri sa kanilang RSTL
»Aquino vows to advance welfare of Muslim Filipinos
»NOLCOM readies troops for Balikatan 2011
»Bangko Sentral holds economic learning drive
»DILG-XI links up with MINCODE, academe to promote transparent and accountable local governance
»RDC XI confirms new set of sectoral committee officers
»LandBank pays tribute to top partner countryside financial institutions
»USAID chief operating officer visits Mindanao
»Turnover of MinDA Chairmanship set today
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines