Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 20 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/16

Tagalog News: Pagtatayo ng windmill sa bayan ng Pto. Diaz masusing pinag-aaralan

Sorsogon Province (16 September) -- Malaki ang pag-asa ni Pto. Diaz ex-mayor at ngayon ay Sangguniang Panlalawigan member Benito Doma na matutuloy ang ipinapanukalang pagtatayo ng wind mill sa bayan ng Pto. Diaz, Sorsogon.

Sa panayam kay Doma, sinabi nitong ayon sa ilang mga ekspertong Hapon na una nang bumisita noong siya pa ang alkalde dito, ang lokasyon diumano ng maliit na bayan ng Prieto Diaz na nakaharap sa karagatang Pasipiko ay maaaring paglagyan ng wind mill tulad ng makikita sa Batanes at Ilocos.

Kaugnay nito, ilang mga eksperto ang muling bumalik sa Pto. Diaz nito lamang buwan ng Marso, Abril at Hunyo ng kasalukuyang taon upang ipagpatuloy ang ginagawang masusing pag-aaral kaugnay ng bilis at lakas ng hangin sa loob ng isang taon, nang sa gayon ay matukoy kung kaya nga nitong makapagpatakbo ng mga elising makalilikha ng sapat na elektrisidad pangkomersyal.

Inaasahang ngayong buwan ng Setyembre ay maipapadala na diumano sa kanila ang resulta ng isinagawang pag-aaral, at kung sakaling mapapatunayang maaaring pagtayuan ito ng windmill ay sisimulan na rin ang pagganyak ng mga imbestor na mamumuhunan para sa proyekto.

Ayon pa kay Doma, sakaling maisakatuparan ito, makakabenepisyo ng higit na mababang halaga ng elektrisidad ang mga residente dito, maging ang mga kalapit-bayan nito.

Magiging dagdag atraksyon din aniya ito sa mga turista na tiyak na makatutulong upang mapalago pa ang lokal na ekonomiya ng Prieto Diaz at maging ng lalawigan ng Sorsogon. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOH 3 iniimbitahan ang non-PhilHealth members na magparehistro sa October 2
»Private sector, NGOs join Davao DILG multi-stakeholders advisory committee
»55 persons sued for violation of dangerous drugs law
»PNoy to visit Davao
»President Noy meets Davao biz leaders today
»PNoy inaugurates Davao hydro plant today
»Sto. Tomas gets string of waste management awards
»Feature: Sitio Talos, battlefield no more
»ICOT-P expands to cover other skills that meet demands of current job market
»Cebuano News: Pagkunhod sa kapobrehon, edukasyon og panglawas, nangunang prayoridad sa House
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines