Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/16

Tagalog News: Papremyo sa Resibo ng BIR nagpapatuloy

Sorsogon Province (16 September) -- Sa kabila ng ipinapakitang magandang suporta ng mga negosyante dito sa kampanya sa buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR), patuloy pa ring hinihikayat ng BIR Sorsogon ang mga mamamayan na humingi ng resibo sa mga binabayaran nilang kunsumo at kaukulang serbisyo.

Ayon kay Sorsogon Revenue District Officer Arturo Abenoja, Jr., sa paghingi ng resibo, makakatulong ang isang indibidwal sa pamahalaan at maaaari pang manalo ng milyon kung isasali ito sa kanilang 'Premyo sa Resibo' Promo.

Sinabi din ni Abenoja na may ilang mga Sorsoganon na ring sa katunayan ay naiangat ang buhay dahilan sa pagkapanalo sa papremyong ito.

Ang Premyo sa Resibo ay isang programa ng BIR kasama ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR at Philweb upang ganyakin ang mga kunsumidor na humingi ng opisyal na resibo upang mapalakas pa ang koleksyon sa buwis ng pamahalaan.

Sinuman ay maaring sumali, dapat lamang na mayroon siyang hawak na alinman sa mga sumusunod: official receipt (OR), sales invoice (SI) o cash invoice (CI) o di kaya'y cash register machine o point of sales receipt na nagkakahalaga ng hindi bababa sa isangdaang piso.

Sa mga cellphones ay ita-type lamang ang capital letters na PSR lagyan ng space, i-type ang TIN number ng tindahang binilhan na makikita sa itaas na bahagi ng resibo, sundan ito ng asterisk bago i-type ang OR number na makikita din sa resibo, sundan uli ng asterisk bago i-type ang halaga ng binayaran(Halimbawa: PSR 005215077076*00084293*130), ipadala ito sa 9777 at hintayin na lamang ang confirmation message.

Ang bawat text ay nagkakahalaga ng dalawang piso at singkwenta sentimos lamang.

Para sa detalye ay maaari ding mag log-on sa www.premyosaresibo.com.ph o kaya'y sa www.bir.gov.ph. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOH 3 iniimbitahan ang non-PhilHealth members na magparehistro sa October 2
»Private sector, NGOs join Davao DILG multi-stakeholders advisory committee
»55 persons sued for violation of dangerous drugs law
»PNoy to visit Davao
»President Noy meets Davao biz leaders today
»PNoy inaugurates Davao hydro plant today
»Sto. Tomas gets string of waste management awards
»Feature: Sitio Talos, battlefield no more
»ICOT-P expands to cover other skills that meet demands of current job market
»Cebuano News: Pagkunhod sa kapobrehon, edukasyon og panglawas, nangunang prayoridad sa House
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines