Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 22 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/16

Tagalog News: Scholarship program ng DAR magpapatuloy

Sorsogon Province (16 September) -- Walang dapat na ikabahala ang mga anak ng benepisyaryo ng Agrarian Reform Program sapagkat ipagpapatuloy pa rin ng Department of Agrarian Reform ang libreng pag-papaaral nito sa kolehiyo kahit ipinatigil na ang dating PDMASP o ang President Diosdado Macapagal Agrarian Scholarship Program.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Officer Roseller Olayres, hangga't may kwalipikadong mga anak ng agrarian reform beneficiaries ay matatamasa pa rin nito ang pagiging agrarian scholars sa ilalim ng proyektong "Programang Agraryo Iskolar (PAI)" na pitong taon na ring ipinatutupad ng pamahalaan para sa mga anak ng maralitang magsasaka.

Sa kasalukuyan, ayon kay Olayres ay mayroong dalawampung agrarian scholars ang DAR Sorsogon na nagtatamasa ng libreng edukasyon sa kolehiyo.

Anim dito ay kumukuha ng kursong Bachelor of Agricultural Technology habang ang iba pa ay kumukuha ng mga kursong Bachelor of Science in Agriculture, Bachelor of Science in Agricultural Development, Bachelor of Science in Veterinary Technology, Bachelor of Science in Mechanical Engineering, Bachelor of Secondary Education at Bachelor of Technology.

Ayon naman kay Antonino Labrador, Provincial PAI Coordinator ng Sorsogon, kumpara sa Pres. Diosdado Macapagal Scholarship na nagbibigay ng pitong-libong piso sa bawat iskolar, ang Programang Agraeryo Iskolar ay nagbibigay ng pitong-libo, pitong-daan limampung piso bawat semestre sa mga iskolar, kung saan dalawang-libo nito ay para sa matrikula, pitong-daan limampung piso para sa book allowance at limang-libo bilang stipend ng bawat iskolar o di kaya'y pandagdag sa pangmatrikula.

Kaugnay nito, umaasa si Labrador na pagbubutihin ng mga iskolar ang kanilang pag-aaral, mamantinihin o di kaya'y lalagpasan pa ang 80% average na marka at susunod sa mga patakaran ng mga paaralang kanilang pinasukan.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga agrarian reform beneficiaries dahilan sa pagpapatuloy pa ng scholarship program na ito na ayon sa kanila'y talaga nnilang mga anak.amang malaki ang naitutulong sa kanila upang mabigyan ng pormal at magandang edukasyon ang kanilang mga anak. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOH 3 iniimbitahan ang non-PhilHealth members na magparehistro sa October 2
»Private sector, NGOs join Davao DILG multi-stakeholders advisory committee
»55 persons sued for violation of dangerous drugs law
»PNoy to visit Davao
»President Noy meets Davao biz leaders today
»PNoy inaugurates Davao hydro plant today
»Sto. Tomas gets string of waste management awards
»Feature: Sitio Talos, battlefield no more
»ICOT-P expands to cover other skills that meet demands of current job market
»Cebuano News: Pagkunhod sa kapobrehon, edukasyon og panglawas, nangunang prayoridad sa House
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines