Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/16

Tagalog News: DepEd naniniwalang mapapataas ng kasalukuyang administrasyon ang kalidad ng edukasyon sa bansa

Sorsogon Province (16 September) -- Nagpahayag ng tiwala si School Division Superintendent Marilyn Dimaano ng DepEd Sorsogon na masosolusyunan ng administrasyong Aquino ang mga kinakaharap na suliranin ng kanilang kagawaran gaya ng kakulangan sa aklat, mga silid-aralan at mga guro.

Ayon kay Dimaano, ang mga kakulangan nito ang nagsisilbing prime factors kung bakit patuloy na bumababa ang kalidad ng public education sa bansa.

Dagdag pa niya na sa pagbibigay prayoridad ngayon ng Pangulong Aquino sa edukasyon, naniniwala siyang may magandang bukas na naghihintay sa Kagawaran g Edukasyon sa bansa.

Tiniyak din ni Dimaano sa publiko na patuloy din ang ginagawang pagsisikap ng DepEd Sorsogon upang solusyunan ang suliranin sa kalidad ng edukasyon at mapaangat ang kaalaman ng mga mag-aaral lalong-lalo na sa mga pampublikong paaralan.

Matatandaang kamakailan ay diretsahang inamin ng DepEd Sorsogon Division Office na naging bagsak ang kalidad ng edukasyon dito sa lalawigan matapos na lumabas na panghuli ang lalawigan sa buong rehiyon sa mga may magandang kalidad ng edukasyon.

Sinabi ni Dimaano na 86% lamang ang pinakamataas na gradong nakuha ng isang mag-aaral mula sa isang paaralan sa Juban sa pinakahuling national achievement examination.

Kaugnay nito, inatasan na rin niya ang mga supervisors at mga prinsipal sa buong lalawigan na bigyan ito ng higit na malaking atensyon at ituon sa pagpapaangat ng kalidad ng edukasyon ang lahat ng kanilang mga pagsisikap.

Samantala, sinabi rin ni Dimaano na wala silang magagawa sakaling pormal nang ipag-utos ng Deped Central Office ang pagkakaroon ng 12-year basic education sa bansa.

Subalit, binigyang-diin din niya na sana ay masusi pang pag-aralan ito partikular ang magiging epekto nito sa lahat bago tuluyang ipatupad. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOH 3 iniimbitahan ang non-PhilHealth members na magparehistro sa October 2
»Private sector, NGOs join Davao DILG multi-stakeholders advisory committee
»55 persons sued for violation of dangerous drugs law
»PNoy to visit Davao
»President Noy meets Davao biz leaders today
»PNoy inaugurates Davao hydro plant today
»Sto. Tomas gets string of waste management awards
»Feature: Sitio Talos, battlefield no more
»ICOT-P expands to cover other skills that meet demands of current job market
»Cebuano News: Pagkunhod sa kapobrehon, edukasyon og panglawas, nangunang prayoridad sa House
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines