Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/16

Tagalog News: Forum on climate change gaganapin sa bayan ng Roxas

Puerto Princesa City (16 September) -- Sa layuning lalo pang paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan ng Palawan na isa sa mga pangunahing adhikain ni Gob. Abraham "Baham" Mitra at bilang pagpapatuloy na kampanya ng ENRO Province sa paghahatid ng kaalaman sa ating mga kababayan ukol sa nangyayaring pagbabago ng kasalukuyang panahon, ilulunsad ang Climate Change Forum sa bayan ng Roxas sa ika-17 ng Setyembre, taong kasalukuyan.

Ayon kay Atty. Noel Aquino, Provincial ENRO, inaasahan nila ang mahigit anim na raang mga magiging partisipante sa gaganaping forum na pangungunahan ng mga estudyante ng Palawan State University-Roxas Campus gayundin ang ilang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Roxas at mga barangay opisyales.

Ang nasabing aktibidad ay sa pamamagitan na rin ng pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal ng bayan ng Roxas at pamunuan ng PSU-CCRD sa naturang bayan. Ito ay gaganapin sa municipal gymnasium ganap na ika-2:00 ng hapon.

Ang forum na may temang Climate Change: Impacts to the Philippines ay may layuning mabigyan ng karagdagang impormasyon at maibahagi ang kaalaman sa patuloy na pagtaas ng carbon emission na isa sa mga sanhi ng mataas na green house gases sa kalawakan at mga maaaring gawin ng bawat isa upang masolusyunan ang nasabing suliranin.

Sa ngayon ay patuloy ang gagawing mga kahalintulad na forum ng ENRO-Province sa iba pang mga munisipyo sa lalawigan upang lalo pang mapalaganap ang pagbabahagi ng nabanggit na impormasyon. Matatandaang nito lamang nakalipas na buwan ay ginanap din ang nasabing forum sa bayan ng Coron. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOH 3 iniimbitahan ang non-PhilHealth members na magparehistro sa October 2
»Private sector, NGOs join Davao DILG multi-stakeholders advisory committee
»55 persons sued for violation of dangerous drugs law
»PNoy to visit Davao
»President Noy meets Davao biz leaders today
»PNoy inaugurates Davao hydro plant today
»Sto. Tomas gets string of waste management awards
»Feature: Sitio Talos, battlefield no more
»ICOT-P expands to cover other skills that meet demands of current job market
»Cebuano News: Pagkunhod sa kapobrehon, edukasyon og panglawas, nangunang prayoridad sa House
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines