Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 20 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/16

Tagalog News: Palawan lumahok sa 21st Philippine Travel Mart

Puerto Princesa City (16 September) -- Bilang pakikiisa at pagsuporta sa pangunahing adhikain ni Gob. Abraham "Baham" Mitra na pasiglahin ang industriya ng turismo ng lalawigan ay masigasig na pinapalawig ng Provincial Tourism Office ang mga programang pang-turismo.

Ngayong Tourism Month, muling lumahok ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office sa tatlong araw na 21st Philippine Travel Mart na ginanap sa Megatrade Halls sa SM Megamall sa Kamaynilaan mula noong ika-3 hanggang ika-5 ng Setyembre, taong kasalukuyan.

Tatlong kawani ng Provincial Tourism Office sa pangunguna ni Ms. Milagros V. Navarro, Supervising Tourism Operations Officer kasama sina Ms. Liezl R. Ogdamin at Ms. Liberty R. Virgo ang kumatawan sa Pamahalaang Panlalawigan at nangasiwa sa booth ng Palawan.

Dito'y muling ipinakita ang magagandang destinasyong pang-turismo at mga produkto ng lalawigan upang lalo pang maka-enganyo ng mga turista na tumungo sa Palawan at tangkilikin ang ating mga produkto.

Personal ding tumungo at bumisita si Gob. Baham Mitra sa ginanap na Travel Mart bilang pagpapakita ng suporta sa lalo pang pagpapalakas ng turismo ng lalawigan. Katunayan, nakipagpulong pa ang Gobernador sa organizer ng aktibidad para sa mas malaking magiging partisipasyon ng Palawan sa susunod na Travel Mart.

Ang Travel Mart ay inorganisa ng PHILTOA o Philippine Tour Operators Association katuwang ang Department of Tourism at Globalink kung saan dinaluhan naman ng mahigit tatlong daang mga exhibitors mula sa iba't-ibang panig ng Pilipinas gayundin ang ilang international agencies na nakiias sa nasabing aktibidad.

Inaasahan namang sa pamamagitan ng paglahok ng Provincial Government sa nabanggit na aktibidad ay lalo pang naipakilala ang lalawigan ng Palawan sa iba't-ibang panig ng mundo at makahikayat pa ng mas maraming mga turistang tutungo dito sa lalawigan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOH 3 iniimbitahan ang non-PhilHealth members na magparehistro sa October 2
»Private sector, NGOs join Davao DILG multi-stakeholders advisory committee
»55 persons sued for violation of dangerous drugs law
»PNoy to visit Davao
»President Noy meets Davao biz leaders today
»PNoy inaugurates Davao hydro plant today
»Sto. Tomas gets string of waste management awards
»Feature: Sitio Talos, battlefield no more
»ICOT-P expands to cover other skills that meet demands of current job market
»Cebuano News: Pagkunhod sa kapobrehon, edukasyon og panglawas, nangunang prayoridad sa House
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines