Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/16

Tagalog News: Pag-isyu ng ECC sa Macroasia, tinuligsa

Puerto Princesa City (16 September) -- Mariing tinuligsa ni Gov. Abraham Kahlil B. Mitra ang ginawang pagkakaloob ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng environmental clearance certificate (ECC) sa MacroAsia Corporation sa bayan ng Brookes's Point nang hindi dumadaan sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD).

Ang reaksiyon ay ginawa ni Gov. Baham kasunod ng pagpapalabas ng ECC para sa multi-billion mining company matapos umano itong dumaan sa project review at serye ng mga konsultasyong pinangasiwaan ng Environmental Management Bureau.

Sinabi ng gobernador na siya ring PCSD chairman na hindi ito dapat ginawa ng DENR sapagkat hindi pa tapos ang technical study at wala pang pag-indorso ang konseho.

"Ito ay isang malaki at seryosong pangyayari sa Palawan na hindi natin dapat palampasin." wika ni Mitra. "Ako ay nananawagan sa lahat ng mga opisyal at mga mamamayan sa buong lalawigan na tutulan natin ito."

Binigyang-diin ni Gov. Mitra na mayroong RA 7611, ang Strategic Environmental Plan for Palawan na dapat masunod.

Matatandaan na sa pagpupulong ng PCSD sa Cuyo, Palawan noong nakaraang buwan ay inaprubahan ni Mitra ang mosyon ng mga miyembro na ipagpaliban ang pag-indorso sa SEP clearance ng MacroAsia hangga't hindi natatapos ang imbestigasyon at ebaluwasyon ng multipartite team na binubuo ng PCSD technical staff, local government officials, NGOs at mga kinatawan ng Indigenous People's communities.

Idinugtong ni Mitra na mayroon nang inihahandang legal action ang kanyang tanggapan laban sa MacroAsia at DENR. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOH 3 iniimbitahan ang non-PhilHealth members na magparehistro sa October 2
»Private sector, NGOs join Davao DILG multi-stakeholders advisory committee
»55 persons sued for violation of dangerous drugs law
»PNoy to visit Davao
»President Noy meets Davao biz leaders today
»PNoy inaugurates Davao hydro plant today
»Sto. Tomas gets string of waste management awards
»Feature: Sitio Talos, battlefield no more
»ICOT-P expands to cover other skills that meet demands of current job market
»Cebuano News: Pagkunhod sa kapobrehon, edukasyon og panglawas, nangunang prayoridad sa House
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines