Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 24 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/16

Tagalog News: DTI nagbigay ng parangal sa ilang OTOP stakeholders

by Ana-Liza S. Macatangay

Legazpi City (16 September) -- Naging matagumpay ang 2010 OTOP Assembly na idinaos sa Naga City Coliseum kahapon. Isa sa mga naging highlights ng pagtitipon, maliban sa mga nagsidalong mga opisyales, ay ang parangal na iginawad sa ilang OTOP Stakeholders na naging katuwang na ng Department of Trade and Industry sa pagtataguyod ng kanilang mga programa.

Isa sa mga awardees ay ang bayan ng Calabanga na pinarangalan naman bilang OTOP Most Supportive LGU. Ito na ang pangalawang pagkakataon na nakuha ng naturang bayan ang naturang titulo. Ang Department of Science and Technology naman ang pinangalanan bilang OTOP Most Supportive Partner Organization. Pinarangalan din ang ilang mga negosyante na nagtaguyod ng kanilang maliit na negosyo. Isa na rito si Mrs Neneth Sari ng Sari Pili Nut Candy bilang Most Outstanding Small and Micro Enterprise. Si Engineer Lanie Pesimo naman ng bayan ng lagonoy ay binigyan din ng parangal bilang OTOP Most Outstanding Development Officer.

Nakuha naman ng bayan ng Buhi ang parangal bilang Most Environment Friendly Local Government Unit dahil na rin sa kanilang water hyacinth project o mga water lilies? Imbes na maging basura at dumi sa Buhi river, ginawa nila itong isang raw material sa paggawa ng sinelas at ilan pang handicrafts na ngayon ay pinakikinabangan na ng kanilang mga konstitwentes.

SA ibang balita, isang abiso po lamang para sa mga pilgrims o mga deboto ni Ina na nagnanais na makiisa sa iba pang deboto, na isinara na kaninang umaga ang kahabaan ng Panganiban Drive sa pormal na pagsisimula ng ilang major activities kaugnay ng pagdiriwang ng Penafrancia Festival. Ngayong umaga ay kasalukuyang nagkakaroon ng drum and lyre competition na nilahukan naman ng mga boy scouts at girls scouts. Mamayang hapon sa two in one na pag diriwang ng Civic parade ay gagawin naman ang Tinagba Competition kung saan sampung corporate sponsors with float ang lalahok? Kasali rin ang sampong mga parokya mula sa Arkidyoses ng Caceres at mga local na opisyal ng dalawamput pitong barangay dito sa Lunsod ng Naga.

Ang float parade ay susundan naman ng Voyadores Festival na nilahukan din ng ibat ibang contingents, LImang mga non competing contingents ang lalahok at apat naman ang kasali sa competing category. ito ay binubuo ng Mariners Polytechnic Colleges, University of Northeastern Philippines, Magarao Elementary School at LGU Tigaon. (PIA Camarines Sur) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOH 3 iniimbitahan ang non-PhilHealth members na magparehistro sa October 2
»Private sector, NGOs join Davao DILG multi-stakeholders advisory committee
»55 persons sued for violation of dangerous drugs law
»PNoy to visit Davao
»President Noy meets Davao biz leaders today
»PNoy inaugurates Davao hydro plant today
»Sto. Tomas gets string of waste management awards
»Feature: Sitio Talos, battlefield no more
»ICOT-P expands to cover other skills that meet demands of current job market
»Cebuano News: Pagkunhod sa kapobrehon, edukasyon og panglawas, nangunang prayoridad sa House
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines