Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 19 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/23

Tagalog News: Bulacan iniimbitahan ang mga non-PhilHealth members na magparehistro sa October 2

Malolos City (23 September) -- Iniimbitahan ng Bulacan Provincial Health Office at ng Philhealth ang mga mamamayan mula sa 21 bayan at 3 siyudad sa lalawigan na hindi pa miyembro ng PhilHealth na magparehistro sa gaganaping National Registration Day sa Oktubre 2.

Tinawag na "October 2 - Philhealth Sabado, Magseguro, Magparehistro", gaganapin ang nasabing registration day sa Bulacan provincial capitol gym sa Lungsod ng Malolos mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.

Ayon kay Dra. Joy Gomez, provincial health officer, ang mga magpaparehistro sa individually paying program ng PhilHealth ay kinakailangang magdala ng valid ID gaya ng driver's license at voter's ID at 300 pisong paunang hulog para sa isang quarter o tatlong buwan.

Kwalipikado sa nasabing programa ang mga may pinagkakakitaan gaya ng mga nagtitinda, labandera, driver, construction worker at iba pa.

Para sa may idedeklarang legal depedent, magdala ng photocopy na nagpapatunay ng relasyon ng nagpaparehistro sa dependent gaya ng birth certificate, marriage contract at senior citizen's ID.

Samantala, bibigyan din ng PhilHealth ID cards sa araw na iyon ang mga mahihirap na pamilya na nakalista sa National Household Targeting System ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon pa kay Dra. Gomez, layunin ng national registration day na tiyakin na lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng access to financial protection para sa kanilang hospitalization needs.

Ito ay naaayon sa target ni Pangulong Benigno Aquino III na serbisyong pangkalusugan para sa lahat sa loob ng tatlong taon. (PIA Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PNoy nakipagpulong sa Pangulo ng Vietnam
»Tagalog News: UST patuloy na iniimbitahan ang publiko sa kanilang Lumina Pandit exhibit
»4Ps: An answered prayer
»Davao Norte guv ready for PNoy's marching orders
»Aquino's visit reunites Davao Norte leaders
»Mati domestic airport to re-operate soon
»Davao Oriental farmers receive production enhancement assistance in organic farming
»Davao to establish food exchange complex in 3 years
»Davao military official suggests livelihood, education for IPs
»Tagalog News: POEA gagamitin mga LGU vs illegal recruitment
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines