Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 20 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/23

Tagalog News: Pagsugpo sa jueteng pinalakas sa Caloocan

Manila (23 September) -- Inatasan ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang lokal na pulisya na palakasin ang kampanya laban sa jueteng at iba pang iligal na sugal upang maging malinis ang buong lungsod sa lahat ng illegal vices.

Kasabay nito, sinabi ni Echiverri na huwag mangimi ang lokal na pulisya na kasuhan ang mga taong mapapatunayan na may kinalaman sa iligal na sugal nang sa gayon ay matakot ang mga kapitalista na maglagay ng sugal sa nasabing lungsod.

Ayon kay Echiverri, bagama't may mga mahihirap na nakikinabang sa sugal na jueteng ay ginagamit naman ito ng ilang politiko para sa kanilang pansariling interes kung saan ay kumikita pa ang mga ito ng malaking halaga ng walang kahirap-hirap.

"Hindi natin kinukunsinti ang sugal na jueteng dahil isa ito sa maling paraan upang kumita sa mabilis na paraan habang maraming pamilya naman ang nawawalan ng ihahain sa kanilang hapag kainan dahil sa pagtaya sa sugal na ito", anang alkalde.

Nagbabala pa ang alkalde sa mga awtoridad na sakaling mapatunayan na may kinalaman ang ilan sa mga ito sa pagpapatakbo ng iligal na sugal sa lungsod ay hindi magdadalawang-isip ang lokal na pamahalaan na sampahan ang mga ito ng kaukulang kaso.

"Kung may mga pulis na mapapatunayan na sangkot sa pagpapatakbo ng iligal na sugal sa ating lungsod ay hindi tayo matatakot na maparusahan ang mga ito" pahayag pa ni Echiverri.

Nakiusap din ang alkalde sa mga residente na huwag tangkilikin ang anumang iligal na sugal dahil ayon pa dito, kapag walang tumataya sa jueteng ay kusang umaalis ang kapitalista nito sa isang lugar.

Dahil naman sa kautusan na ito ni Echiverri ay agad na nagsagawa ng operasyon ang Caloocan City Police na pinamumunuan ni Sr. Supt. Jude Santos na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong katao na nagpapataya ng iligal na sugal na lotteng sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod. (PIA-MMIO) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PNoy nakipagpulong sa Pangulo ng Vietnam
»Tagalog News: UST patuloy na iniimbitahan ang publiko sa kanilang Lumina Pandit exhibit
»4Ps: An answered prayer
»Davao Norte guv ready for PNoy's marching orders
»Aquino's visit reunites Davao Norte leaders
»Mati domestic airport to re-operate soon
»Davao Oriental farmers receive production enhancement assistance in organic farming
»Davao to establish food exchange complex in 3 years
»Davao military official suggests livelihood, education for IPs
»Tagalog News: POEA gagamitin mga LGU vs illegal recruitment
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines