Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 22 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/23

Tagalog News: Jobs fair isasagawa ng provincial PESO ngayong Oktubre

Puerto Princesa City (23 September) -- Kaalinsabay sa 100 days doable targets ni Gob. Abraham Kahlil B. Mitra, ang Provincial Public Employment Service Office sa pangunguna ni G. Richard Rebote, Officer-In-Charge ay nakatakdang magsagawa ng Jobs Fair.

Ang nasabing Jobs Fair ay naglalayong magbukas ng pagkakataon para sa mga kababayang Palaweño na makapag-apply ng trabaho para sa local o overseas employment. Sa pamamagitan ng naturang aktibidades ay makakapag-apply at makakapili ang mga aplikante ng posisyon na naayon sa kanilang kakayanan at pinag-aralan. Bukod pa dito, magiging maalwan at makakatipid sa gastusin ang mga aplikante tulad ng pamasahe dahil dito mismo sa Kapitolyo isasagawa ang Jobs Fair.

Ang dalawang araw na aktibidades ay nakatakda sa ika-5 hanggang 6 ng Oktubre, taong kasalukuyan, sa Centennial Pavilion, Capitol Compound. Sa pagbubukas ng Jobs Fair sa ika-5 ng Oktubre ay inaasahang darating si Regional Director Josefino I. Torres mula sa Department of Labor and Employment IV-B (MIMAROPA) at si Corazon Carmen A. Rosales, Officer-in-charge, Manpower Registry Division mula sa Philippine Overseas Employment Association.

Maraming ahensya mula sa kamaynilaan at lokal tulad ng NCCC at Taytay sa Kauswagan Incorporated o TSKI ang tatanggap ng mga aplikante.

Para sa mga karagdagang impormasyon maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Provincial PESO sa ikalawang palapag ng Capitol Complex, Fernandez st., dito sa lungsod o tumawag sa telepono bilang 434-9573. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PNoy nakipagpulong sa Pangulo ng Vietnam
»Tagalog News: UST patuloy na iniimbitahan ang publiko sa kanilang Lumina Pandit exhibit
»4Ps: An answered prayer
»Davao Norte guv ready for PNoy's marching orders
»Aquino's visit reunites Davao Norte leaders
»Mati domestic airport to re-operate soon
»Davao Oriental farmers receive production enhancement assistance in organic farming
»Davao to establish food exchange complex in 3 years
»Davao military official suggests livelihood, education for IPs
»Tagalog News: POEA gagamitin mga LGU vs illegal recruitment
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines