Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/23

Tagalog News: Palawan mayaman sa pamana ng lahi

Puerto Princesa City (23 September) -- Halos lahat ng uri ng cultural properties ay matatagpuan dito sa lalawigan ng Palawan. Ito ang tinuran ni G. Angel Bautista, pinuno ng Commission on Museums ng National Commission on Culture and the Arts, na siyang nagsilbing resource person sa dalawang araw na seminar kamakailan na may titulong Protecting Filipino Heritage.

Ipinarating ni G. Bautista sa mga partisipante sa seminar na matatagpuan sa Palawan ang mga archaelogical sites tulad ng kilalang Tabon Cave Complex sa munisipyo ng Quezon kung saan natagpuan ang bungo ng ninuno ng Pilipino at nagsilbing representante ng 50,000 bago ang simula ng kasaysayan ng Pilipinas. Isang mahalagang artifact na nakuha sa yungib ng Tabon ay ang Manunggul Jar na kinokonsidera ngayong bilang "national treasure" at makikita sa National Museum.

Nariyan din ang mga barkong lumubog sa karagatan ng Palawan partikular sa hilagang bahagi ng lalawigan na magiging paksa ng pagsasaliksik na isasagawa ng National Museum sa pakikipagtulungan ng Palawan Council for Sustainable Development.

Binanggit din niya na ang maraming katutubong grupo sa Palawan kabilang dito ang Palaw'an, Tagbanua, Batak, Tao't Bato at iba pa. Aniya, hangarin ng NCCA at ng National Museum kasama ang National Historical Institute na mai-preserba ang mga katutubong panulat ng mga Palaw'an at Tagbanua at maisalin ang ganitong kaalaman sa bagong henerasyon upang hindi ito mawala.

Kanya ring tinuran na maraming mga ipinatayong gusali sa Palawan partikular sa hilagang Palawan na bahagi ng kasaysayan ng bansa sa panahon ng mga Kastila. Ilan dito ay ang mga makasaysayang kuta sa bayan ng Cuyo, Taytay, Agutaya, Cagayancillo, Culion at Dumaran.

Dahil sa maraming "artifacts at cultural properties" na matatagpuan sa lalawigan, kanyang pinapurihan ang liderato ni Gob. Baham Mitra sa inilabas nitong Executive Order na inaatasan ang pagtatayo ng Municipal Culture and Arts Council sa lahat ng munisipyo ng Palawan. Sinabi ni G. Bautista na ito ay magandang hakbang sa promosyon at pangangalaga ng Palawan cultural heritage.

Samantala, hinikiyat din ni Culture and Arts Executive Director Charina Carmen Cabading ang mga lokal na pamahalaan na magtalaga ng kani-kanilang cultural officers upang maging katuwang ng Municipal Culture and Arts Council, Provincial Culture and Arts Office at ng National Museum sa pagpapatupad ng National Cultural Heritage Act of 2009. Ang mga deputized cultural officers ay sasailalim sa pagsasanay ng National Museum. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PNoy nakipagpulong sa Pangulo ng Vietnam
»Tagalog News: UST patuloy na iniimbitahan ang publiko sa kanilang Lumina Pandit exhibit
»4Ps: An answered prayer
»Davao Norte guv ready for PNoy's marching orders
»Aquino's visit reunites Davao Norte leaders
»Mati domestic airport to re-operate soon
»Davao Oriental farmers receive production enhancement assistance in organic farming
»Davao to establish food exchange complex in 3 years
»Davao military official suggests livelihood, education for IPs
»Tagalog News: POEA gagamitin mga LGU vs illegal recruitment
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines