Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/23

Tagalog News: 4th Palawan tourism quiz, isasagawa

Puerto Princesa City (23 September) -- Sa layunin na lalo pang mapaigting ang kaalaman ng mga estudyante sa kasaysayan at turismo ng lalawigan at mapalaganap ang promosyon ng turismo ng Palawan bilang pagtalima na rin sa HEAT Program ni Gob. Baham Mitra ay nakatakdang isagawa ang ika-apat na Palawan Tourism Quiz.

Ang aktibidad na pangangasiwaan ng Provincial Tourism Office ay nakatakda sa ika-29 ng Setyembre, ganap na ika-9:00 ng umaga sa Capitol Centennial Pavilion, Capitol Compound. Ang tema ng patimpalak sa taong ito ay "Ang Sigla ng Kabataan ay Sigla ng Bayan." Bahagi na rin ito ng selebrasyon ng Tourism Month at ng World Tourism Day na may tema namang "Tourism and Biodiversity."

Ang ikaapat na taon ng Palawan Tourism Quiz ay bukas para sa mga estudyante sa kolehiyo na kumukuha ng kursong hospitality at tourism-related courses at kinakailangang may apat na kalahok ang bawat grupo.

Kinakailangan lamang na ang participation form ng mga ito ay nilagdaan ng kanilang school president o sinumang otorisadong administrador ng pamantasan. Ang bawat kalahok ay kinakailangang suot ang kanilang uniporme at school ID sa araw ng kompetisyon.

Hindi naman papayagang lumahok sa nasabing patimpalak ang sinumang kamag-anak ng mga kawani ng Provincial Tourism Office.

Ang 4th Tourism Quiz ay kapapalooban ng tatlong kategorya: ang Easy Round, Average Round at Difficult Round kung saan ang mga katanungan o topiko ay nakatuon sa kasaysayan, kultura at turismo ng Palawan, mga kaganapan sa bansa maging sa ibang panig ng mundo na may kaugnayan sa turismo at sa hospitality management.

Ang magwawaging koponan ay tatanggap ng P5,000.00 at scholarship assistance sa loob ng isang semester na ipagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan. Samantala, ang magkakamit naman ng ikalawang gantimpala ay pagkakalooban ng P3,000.00; ang magkakamit ng ikatlong puwesto ay tatanggap ng P2,000.00 at ang ikaapat ay pagkakalooban naman ng P1,000.00. Ang magwawaging grupo ay pagkakalooban din ng plake samantalang lahat ng mga kalahok ay tatanggap din ng Certificate of Participation kabilang ang kanilang mga tatayong coaches o adviser. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PNoy nakipagpulong sa Pangulo ng Vietnam
»Tagalog News: UST patuloy na iniimbitahan ang publiko sa kanilang Lumina Pandit exhibit
»4Ps: An answered prayer
»Davao Norte guv ready for PNoy's marching orders
»Aquino's visit reunites Davao Norte leaders
»Mati domestic airport to re-operate soon
»Davao Oriental farmers receive production enhancement assistance in organic farming
»Davao to establish food exchange complex in 3 years
»Davao military official suggests livelihood, education for IPs
»Tagalog News: POEA gagamitin mga LGU vs illegal recruitment
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines